Habang nasa daanan, ang crew ay naatasan na maglinis at magpintura ng tank top ng engine room. Isang crewmember ang nakitang nagtra-trabaho malapit sa paligid ng tail shaft at pilit na iniiwasang tumama ang kaniyang ulo sa umiikot na shaft.
Isang crew member naman ang huminto sa pagtratrabaho, at nagpatawag ng safety meeting upang paalalahanan ang mga tripulante sa mga panganib at sa pangangailangan na magsuot ng hard hats.
Ang umiikot na tail shaft ay may nakamamatay na entrapment o snagging hazard, kahit pa may wire guards na andiyan. Maiiwasan sana ang panganib kung may mas mahusay na pagpaplano sa pamamagitan ng pagtiyak na ang maintenance ay isinasagawa lamang kapag nakahinto ang shaft katulad ng kapag nasa port. Subalit, para sa komersyal na kadahilanan, mayroong pagkilos sa buong industriya na hinahayaang magsagawa ng ganoong maintenance habang nasa dagat upang mabawasan ang oras na ginugugol sa tabi. Ang mga inhinyero ay naatasan ng iba pang mga gampanin kapag nasa port.
Ang insidente bang ito ay hindi sinasadyang resulta ng isang management decision?
Pinupuri ng CHIRP ang crewmember na inalerto ang iba sa panganib at pinahinto ang pagtratrabaho hanggang sa maisagawa ang safety briefing. Hinihikayat namin ang lahat ng mga kumpanya na hayaan ang kanilang mga crew na magkaroon ng katulad na “Stop Work” authority kapag may pagdududa sa kaligtasan.
Pag-Alerto at Teamwork – Parehas ipinakita ang mga ito sa insidenteng ito: ang pag-alerto sa iba sa panganib at pagpapahinto sa kadahilanang pangkaligtasan ay isang magandang teamwork.
Kamalayan sa Sitwasyon – Ikonsidera ang lahat ng aspeto sa trabaho, kabilang na ang lapit sa panganib, at ikonsidera ang mga kahihinatnan.