Isang miyembro ng crew mula sa isang expeditionary cruise vessel ang nag-ulat ng seryosong safety concerns matapos ang isang passenger excursion.
Plinano ng barko na idaong ang mga pasahero sa isang malayong lugar na kilala para sa wildlife nito. Dahil sa malalaking alon sa baybayin, ang barko ay nag-angkla isang milya mula sa pampang. Inassess ng kapitan na ang distansya, kondisyon ng dagat, at surf sa pampang ay lampas sa ligtas na limitasyon para sa inflatable passenger launches ng barko. Isang lokal at mas malaking ferry ang kinontrata upang dalhin ang mga pasahero sa pampang. Sa kasamaang palad, ito ay sumadsad habang papalabas ng daungan.
Upang hindi makansela ang trip, at kahit hindi pa kumukonsulta sa kapitan, iniutos ng mga expedition leader na gamitin ang passenger launches ng barko at inatasan ang ilang crew members na maging helmsmen, kahit na hindi lahat sa kanila ay kwalipikado para dito.
Ang reporter, ay isa sa maraming tao na nagpahayag ng pagaalala sa mga expedition leaders. Pinupunto nila na ito ay sumasalungat sa naunang utos ng kapitan, lalo na’t mas lumala pa ang lagay ng panahon. Ang kanilang mga alalahanin ay hindi pinansin.
Ang launch crew ay nagtrabaho mula 8am hanggang 7pm nang walang pahinga o pagkain, sa ilalim ng tropikal na init at mataas na halumigmig. Ang lagay ng dagat, surf, at mahabang biyahe ay ay hindi komportable para sa mga pasahero at lubhang nakaka-stress para sa mga tripulante, at aware sila na tumatakbo sila sa hindi ligtas na mga kondisyon, na nagpalala pa ng kawalan ng maasahang kagamitan para sa komunikasyon. Ilang insidente ang naganap, kabilang ang insidente ng man overboard at ang pagkaiwan ng mga pasahero sa beach malapit sa mga mabangis na hayop.
Pagkatapos ng operasyon, isang miyembro ng crew ang nakaranas ng matinding psychological at mental na stress na kinumpirma ng doktor na nasa barko. Matapos magsumite ng ulat sa kapitan, habang dinedetalye ang safety concerns nito, ang crew member ay ipinatawag sa isang pulong kasama ang cruise director at ipinababa siya sa susunod na port of call.
Ang ulat na ito ay nagbubukas ng mga mahahalagang usapin sa kaligtasan, lalo na sa mga expedition cruise ships na nakatuon sa excursions. Ang pressure na matugunan ang mga inaasahan ng pasahero ay nagdudulot ng desisyong inuuna ang excursion kahit ano man ang mangyari. Sa kasong ito, ang pagkaantala dahil sa sumadsad na ferry ay nagdagdag ng pressure sa oras, dahilan upang gamitin ng mga lider ang launches ng barko nang hindi muna kumukonsulta sa kapitan. Kung walang deck experience, maaaring hindi nila lubos na nauunawa ang mga safety risks, lalo na kung ang crew na nagpapatakbo ng launches ay hindi naturuan ng maayos. Ang pagbalewala sa naunang utos ng kapitan ay nakapagpahina din ng awtoridad ng Kapitan, na mas lalong humina noong nabigo ang kapitan na mabawi ang kontrol matapos nitong malaman na ginamit ang mga launches. Natiyak ng CHIRP na walang industry SOP sa paglipat ng pasahero mula sa cruise liners maliban sa Safety Management System (SMS) na guidelines at procedures ng mga indibidwal na kumpanya.
Ang launch ng barko ay may parehong limitasyon sa disenyo (gaya ng maximum passenger capacity o kondisyon ng barko) at limitasyon sa operasyon, na isinasaalang-alang ang kadaliang kumilos, kaligtasan, at ginhawa ng pasahero. Upang makatulong na magkaroon ng mas mahusay na mga desisyon sa barko, hinihikayat ang mga kumpanya na tukuyin ang mga operational limits sa kanilang SMS. Kasama dapat dito hindi lamang ang mga kondisyon ng panahon at dagat, kundi pati na rin ang mga kinakailangan sa paglipat ng pasahero. May ilang mga kumpanya na gumagamit ng simpleng ‘step test’ upang i-asses kung ang mga pasahero ay ligtas na makakasakay o makababa.
Ang paggamit ng mga launch ng barko na may hindi kwalipikadong tauhan at walang maayos na komunikasyon ay malinaw na panganib sa kaligtasan at paglabag sa SMS ng kumpanya. Subalit hindi na napansin ng mga expedition leaders ang mga concerns na ito dahil nakatuon lamang sila sa pagtupad ng cruise experience ng kanilang mga pasahero. Ilang pasahero ang nag-ulat ng mga safety concerns sa CHIRP.
Ang mataas na workload ng crew, kasama pa ang hindi sapat na pahinga at pagkain, ay mas nakapag-kompromiso sa kaligtasan. Ang 11-oras na mga shift sa trabaho ay nag-iwan sa mga tender operator na mapagod na humahantong sa mga panganib na hindi nabawasan sa katanggap-tanggap na antas (As Low As Reasonably Practicable, or ALARP).
Dagdag pa dito, ang cruise director ay hindi maayos na nagmalasakit sa isang miyembro ng crew na dumaranas ng stress na may kaugnayan sa trabaho, na nagdudulot ng mga alalahanin tungkol sa etikal na mga kasanayan sa trabaho.
Inilapit ng CHIRP ang isyung ito sa atensyon ng kumpanya, ngunit binalewala nila ito, kaya’t inakyat na ang usapin sa flag state at classification society ng barko, na parehong nagsasagawa na ngayon ng imbestigasyon.
Kultura – Makikita ang pagiging dismissive ng kumpanya nang kontakin ng CHIRP, na nagpapakita ng kakulangan sa safety culture. Ang mga praktikal na resulta nito ay seryosong mga paglabag sa kaligtasan, kabilang ang hindi pagsunod sa utos ng kapitan at ang pagtanggi sa mga alalahanin ng crew. Sa kabila ng malinaw na ebidensya ng dalawang malalaking insidente, ang mapanganib na pag-uugali ay pinayagan nang walang interbensyon mula sa kapitan.
Akma sa layunin – Kahit ang mga passenger launches ni ang kagamitan sa komunikasyon ay hindi angkop para sa gawain.
Kakayahan – Ang ilan sa mga crew ay hindi kwalipikado upang magpatakbo ng mga launches, at ang kanilang kakayahan ay lalong bumaba dahil sa pagkapagod at sa masamang lagay ng panahon.
Komunikasyon – Nagkaroon ng breakdown sa komunikasyon sa pagitan ng kapitan, mga expedition leader, at mga launch crew.
Teamwork – Ang mga miyembro ng team ay nakatuon sa magkakaibang layunin at walang ibinahaging pag-unawa sa mga panganib o kahalagahan ng kaligtasan. Ang mga kolektibong babala ay binalewala, at ang crew ay walang awtoridad na ihinto ang trabaho (stop work authority) sa kabila ng malinaw na mga panganib.
Lokal na mga kasanayan – ang mga lokal na kagawian ay malinaw na nakakapagdulot ng matinding stress at dapat suriin ng HR team ng kumpanya sa pinakamadaling panahon.