Sa isang kamakailang deployment ng isang pansamantalang armadong security guard, iniulat nito na ang kondisyon ng barko at ang kalagayan ng pamumuhay ng tripulante ay lubhang hindi katanggap-tanggap. Hindi gumagana ang sistema ng inuming tubig, kaya umaasa ang tripulante sa luma at expired na bottled water. Ang tubig na ginagamit sa pagligo, pagsesepilyo, at paglaba ng damit ay may kalawang. Wala ring air conditioning, at sira ang sistema ng palikuran. Bukod pa dito, hindi malinis ang mga kabina ng tripulante, at nagkakaroon sila ng malalalang kagat ng surot sa kanilang katawan.
Maging ang pagkain ay hindi rin kasiya-siya: paulit-ulit ang ulam, kakaunti ang karne o isda, at bihira ang prutas—na may lasa nadin na kalawang.