Habang nasa drydock, isang barko ang nagkaroon ng pagpapalit ng Flag. Bilang parte ng pagbabagong ito, lahat ng mga lifebuoy ay kinakailangan na mamarkahan muli sa bago nitong port of registry. Sa unang araw ng trabaho nito, inutusan ng Chief Officer ang deck crew na kolektahin ang lahat ng lifebuoy. Isang AB ang nagtangkang kuhain ang port side man overboard (MOB) lifebuoy. Hawak ang lubid na kumokonekta sa lifebuoy sa smoke float, ni-release nito ang pin. Sa kabiguang matansya ang bigat ng buoy, dumulas ang lubid mula sa pagkakahawak niya dito, at nahulog ang buoy, nakakontak ito sa gilid ng dock quayside bago mahulog sa dock bottom.
Ang may pinagsamang bigat na 7.6 kilo ay nahulog 22 metro papunta sa malalim na dock bottom. Sa panahong iyon, may ilang mga dock personnel na nagtratrabaho sa dock bottom, subalit, sa kabutihang palad ay hindi sila malapit sa lugar ng pinagbagsakan. Isang agarang pagpapatigil sa trabaho sa dock bottom at sa mga nasa barko. Lahat ng mga tauhan ay umalis sa dock bottom habang nilalabas ng smoke float ang mga laman nito.
Ang mga tripulante ay sanay na sa dagat, subalit ang mga drydock operation ay nangangailangan ng ibang lebel ng risk management.
Kung mayroong nabagsakan na tao sa pagkahulog ng float, maaaring magresulta ito ng malubhang pinsala o pagkamatay. Ang hindi inaasahang pangyayaring ito ay naganap sa kabila ng risk assessment at toolbox meeting, na nakapag-pabawas sana sa panganib dito.
Ang risk assessment at toolbox meeting ay nakakuha lamang ng ilang risk factors. Ang isang walang karanasanang tripulante ang naatasang gumawa ng trabahong iyon ang nakapagpataas sa panganib na mahulog ang buoy. Mapanganib ang pagtatanggal sa man overboard lifebuoy, lalo na sa dry dock kung saan ang dry dock workers ay kadalasang nagsagawa ng mga gawain sa ilalim ng bridge wings.
Isang kapaki-pakinabang na video tungkol sa mga panganib ng nahuhulog na gamit ang matatagpuan dito:
0 Saipem DROPS – choice not chance – IMCA (imca-int.com)
Kapasidad – Ang mga nakatalagang gawain sa dry dock ay kailangang ilaan base sa kaalaman at karanasan ng isang crew member. Ang buddy system ay dapat gamitin para doon sa mga bago pa lang sa dry docking. Kapag ikaw ay naatasan sa barko na mag dry-dock, gaano kahusay ang mga tagubilin sa iyo tungkol sa dry dock safety? Ang kumpanya niyo ba ay may partikular na seksyon sa drydock safety sa safety management system nito? Mayroon bang training video ang kumpanya na nagbibigay diin sa lahat ng mga panganib? Alam mo ba ang mga ito?
Teamwork – Lahat ng drydock ay mga hindi pamilyar at mapanganib na lugar at kailangan ng pagtutulungan upang matiyak na nagbabantayan ang lahat para sa bawat isa
Pressure – Huwag ninyong hayaan na makasagabal ang mga panlabas na factors sa inyong safety performance. Ang trabaho ay magagawa, at kailangang gawin ng ligtas. Ito ang dapat na pang araw-araw na mantra sa barko.