Isang reporter ang nagpadala ng maigsing video na nagpapakita ng hindi magandang pagkakadisenyo ng bunkering station ng isang napakalaking yate.
Ipinaalam ng reporter sa CHIRP na ang super yachts ay gumagamit ng iba’t ibang bunkering facilities, at napakabihira lang dito na makakonek sa Marpol flange.
Karamihan sa mga bunkering hose ay may camlock fittings, at dahil sa isyu ng hindi magandang pagkakadisenyo sa bunkering station at mahinang maintenance ng camlocks, maraming tagas ng mga koneksyon, na lumilikha ng polusyon, mapanganib sa kalusugan at mapanganib na magkasunog.
Ang mga isyu sa disenyo ng mga bunkering connection ay kinakailangan na masusing mapag-isipang mabuti. Ang mga bunkering connection ay kadalasang nakaposisyon sa masisikip na espasyo, na nagiging mahirap para ikonekta ang mga hose. Kapag konektado na, ang mga connecting flanges ay kadalasang sumasailalim sa sobrang stress dahil sa mahinang pagkakahanay, kung kaya’t nagiging mahirap magkaroon ng mahigpit na pagkaka-selyo.
Hiniling ng CHIRP na muling i-konsidera ang bunkering design at, habang may kasunod na drydock o lay-up period, ikonsidera ang pagpapalit ng pipework upang matiyak na ang mga koneksyon ay nakaposisyon upang magkaroon ng mas maiging pagkakahanay at mas mahigpit na selyo upang maiwasan ang pagtagas habang may bunkering.
Naniniwala ang CHIRP na ang tuloy-tuloy na pagtagas habang may bunkering ay hindi katanggap-tanggap at nagpapakita ng normalisasyon sa paglihis, kung saan ang practice na ito ay tinatanggap bilang new norm.
Disenyo– Ang disenyo ay kinakailangan na paghusayin pa upang ma-secure ang bunkering. Ang workspace ng hose connection ay kinakailangan na makapagbigay ng sapat na espasyo upang magkaron ng wastong pagkakahanay ang mga camlock. Ang mga bunkering station ninyo ba ay may sapat na clearance upang magkaroon ng mahusay na pagkakahanay kapag may bunkering?
Pag-alerto – Ang pag-alerto sa pangasiwaan sa katotohanang ang mga balde ay hindi dapat ginagamit upang makontrol ang pagtagas mula sa bunker connection at hindi dapat pinapayagan. Dapat ay inaabisuhan din ang pangasiwaan kung may remedial action na kinakailangang gawin.