Pag-una sa komersyal na mga pressure bago ang pangkaligtasan

Pinagbigay-alam ng taga-ulat sa CHIRP ang tungkol sa contractual requirement ng isang operasyon kamakailan na kinasasangkutan ng Offshore Supply Vessel (OSV) at Floating Production Storage and Offloading Vessel (FPSO).

Ang OSV ay isang DP 1 vessel na hindi na nangangailangan ng follow-target function para sa normal na operasyon.  Gayunpaman, dahil sa pagkilos ng FPSO sa operating environment, ang pagkakaroon nito ay isang contractual requirement.

Ayon sa kasunduan sa pagitan ng kontraktor at ng charterer, ang kontraktor ay kailangan magbigay sa barko ng dalawang reference systems:  ang Differential Global Navigational Satellite System (DGNSS) at alinman sa laser o microwave system na may kakayahan sa functionality ng ‘Follow Target’.  Ang mga sistemang ito ay mahalaga para sa FPSO operations.   Tinitiyak nila na may distanyang pinananatili sa pagitan ng barko at ng FPSO at ina-adjust ang angle sa pagitan ng kanilang longitudinal axes upang tumugma sa alinmang horizontal rotation ng FPSO.

Dahil sa pressure sa iskedyul ng kliyente, ang master ay nagpatuloy sa operasyon sa kabila ng hindi pagkakaroon ng ‘Follow Target’ function ng barko.  Ang desisyong ito ay nagdulot ng potensyal na hindi ligtas na kondisyon, na nangangailangan sa crew na mano-manong i-adjust ang posisyon ng barko laban sa visual reference para sa 12-oras na fuel oil transfer.  Ang Designated Person Ashore (DPA) ay nagbabala laban sa pag-ooperate sa ilalim ng ganitong mga delikadong kalagayan, subalit ang master ay nagpatuloy padin.   Napagtanto ng mga tripulante na ang kanilang kaligtasan ay nakompromiso upang matugunan lang ang pangangailangan ng kliyente at inireport nila ito sa CHIRP.

Ang kasunduan sa pagitan ng kontraktor at ng charterer at nagsasaad ng tiyak na teknilal na pangangailangan para sa OSV, kabilang na ang pagkakaroon ng ‘Follow Target’ function at ang pagkakaroon ng kakayahan na harapin ang inaasahang bilis sa paggalaw ng FPSO, na maaaring malaki.  Ang tungkuling ito ay mahalaga sa pagpapanatili ng ligtas na distansya at pagkakahanay sa FPSO.  Ang OSV na kinukuwestyon ay mayroon lamang DP 1 (Dynamic Positioning Class 1) system, na tipikal ng walang kasamang ‘Follow Target’ na kakayahan.   Ang pagkakaiba na ito ay nangangahulugan na ang OSV ay hindi nakatugon sa contractual requirements na kinakailangan para sa ligtas na operasyon sa FPSO.

Sa kabila ng hindi pagkakatugon sa requirements, ang master ng OSV ay nagpatuloy sa operasyon dahil sa pressure sa iskedyul ng kliyente.   Ang desisyon na ito ay nagdulot sa potensyal na hindi ligtas na kondisyon dahil ang barko ay kulang sa kakayahang awtomatikong mapanatili ang ligtas na lapit at pagkakahanay sa FPSO.   Kinikilala ng mga tripulante na ang kanilang kondisyong pangkaligtasan ay nakompromiso habang may operasyon, partikular na habang may 12 oras na fuel oil transfer.   Gumamit sila ng manual na adjustment base sa visual at radar references, na hindi gaanong eksakto at mas may pagkakamali kumpara sa automated systems gaya ng ‘Follow Target’.

Ang kamalayan ng mga crew na nakompromiso ang kanilang kaligtasan at ang kanilang desisyon na ireport ito sa CHIRP ay nagpapakita ng responsableng diskarte sa ligtas na paguulat at ang pagkaunawa sa potensyal na panganib na nakapaloob.   Ang Designated Person Ashore (DPA), na responsable sa pagtiyak ng pagsunod sa safety environmental standards, pagtiyak na may sapat na resources na nakalapat, ay nagbibigay ng mahalagang ugnayan sa pagitan ng barko at ng kumpanya, pagbabala imbes na magpatuloy, lalo na kung kinakailangan ang function na “follow target”.   Ang babala ng DPA ay nagbibigay-diin sa kaseryosohan ukol sa safety concerns.  Sa kabila ng tahasan na payo, ang master ay nagpatuloy sa operasyon, binalewala ang rekomendasyon ng DPA.  Ang desisyong ito ay hindi lamang nagpataas sa panganib na nakapaloob, kungdi nakuwestyon din ang safety culture at organizational structure ng kumpanya.  Ang pagpili ng master na balewalain ang payo ng DPA ay nagdudulot ng mahalagang concern tungkol sa pagpapahalaga sa kaligtasan sa loob ng kumpanya at nagbibigay diin sa potensyal na mga kapintasan sa risk management at communication practices nito.

Sa mga nakaraang taon, ilang banggaan ang nangyari habang nakasakay ng barko na nagsasagawa ng DP operations na malapit sa mobile assets, gaya ng drilling vessels at FPSOs.   Habang may relative position reference system, gaya ng “Follow Target” function, ang pagsasanay sa paggamit nito ay mahalaga.

Nais kilalanin ng CHIRP ang impormasyon na binigay ng International Maritime Contractors Association (IMCA) No 1650- November 2023, na dumedetalye sa Important Position Reference Systems (PRS) na kinukonsidera kapag nag-ooperate ng malapit sa isang asset na hindi mahigpit na naka-fix sa sea bed.

Pressure – Ang pressure na matugunan ang mga commercial objective ay nagpawalang-bisa sa pagsasaalang-alang sa kaligtasan tungkol sa mga crew, sa FPSO at sa kapaligiran.  Ano ang gagawin mo sa kaparehas na sitwasyon, dahil sa kahilingan ng DPA na itigil ang operasyon sa pagpapatuloy dahil sa kakulangan ng safeguard?

Teamwork – Ang ugali ng master ay hindi nagpapakita ng teamwork.  Ang master ay kumikilos mag-isa, at tila ang mga crew ay hindi nakakaramdam na sila ay empowered na gawin ang ‘stop work’ procedures.  Ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito?

Kultura – Ang kultura ng kumpanya ay nakalapat sa lahat, ang master ay may responsibilidad na isagawa ang kultura ng kumpanya sa pamamagitan ng kaniyang mga aksyon.

Kakayahan – Mag-ooperate ka pa din ba sa labas ng mga kinakailangan kung ang iyong barko ay kulang sa mga kakayahan upang matugunan ang dynamic positioning standards?  Sa kasong ito, ang mga DP safety standard ba ay binabalewala?

Lokal na kasanayan – Huwag hayaan na ang mga lokal na kasanayan ang maging bagong standard.  Humiling sa kumpanya na magkabit ng kinakailangang kagamitan para matugunan ang mga compliance requirements.

loss_of_awareness