OOW tulog habang nagbabantay!

Nakatanggap ang CHIRP ng ulat patungkol sa isang opisyales na regular na natutulog sa bridge habang mag-isang nagbabantay sa umaga (0400-0800) at umaasa na lang sa automated na navigational alarms.   Marami ng tripulante ang nakasaksi sa gawain niyang ito sa loob ng isang linggo.

Ang pagtulog habang nagbabantay ay matinding paglabag sa international collision regulations, at nakipag-ugnayan ang CHIRP sa Flag State ng barko, na sa ngayon ay nagiimbestiga.

Karaniwan, walang opisyales na sadyang natutulog habang nagbabantay, lalo na kapag mag-isa lang ito sa pagbabantay.  Sa maraming pagkakataon, ang pagsisimulang mapagod ay nakakagawa ng kagustuhang ipikit ang mga mata habang nagbabantay at makakatulog na ito ng mahimbing.    Hinala ng CHIRP na ang indibidwal ay nagtitiis mula sa labis na kapaguran sa puntong ang kanilang pagdedesisyon ay naapektuhan, na nagdudulot sa kanila na makagawa ng hindi katanggap-tanggap na panganib habang nagbabantay sa bridge.

Kinukuwestiyon ng CHIRP kung anong mga kasanayan sa pagtatrabaho ang nagaganap sa barko na nag-ooperate ng walang nakatalagang lookout upang makagawa ng ganitong pagkapagod.   O ang opisyales ba ay sadyang binabalewala ang responsibilidad sa kaligtasan at nilalabag ang mga kautusan?   Alinmang paraan, ang kaligtasan ng barko ay lubhang nakompromiso.

Pagkapagod – Binibigyang-diin ng incident report ang kakulangan ng malasakit ng opisyales sa matinding lapse sa navigational safety.  Malinaw na ang opisyales ay dumaranas ng kakulangan sa tulog at nabawasan ang kakayahan sa pag-iisip at paggawa ng desisyon.   Nakamamatay ang fatigue:  kinakailangan gumawa ng hakbang ang kumpanya upang pamahalaan ito.

Pag-alerto – Ang CHIRP ay inalerto sa isyung ito, subalit bakit hindi inalerto ang master?  Ito ay isang seryosong sitwasyon na makakaapekto sa lahat ng nasa barko – magsalita at kontakin ang CHIRP.   Ang opisyales ay kinakailangang makapagsalita sa master at ipagbigay alam kung nasa pagod na kalagayan.   Ito ay maaari din ma-apply sa iba pang opisyales at mga tripulante sa parehas na barko.

Kultura – Tila ay mayroong mahinang safety culture ang barko, at sumasalamin ito sa loob ng kumpanya.    May nagmamalasakit ba sa kaligtasan?  Hindi sana nangyari ang isyung ito kung ang kumpanya ay nag-ooperate sa patas na kultura at ang mga senior officers ay nagpapakita ng mabuting pamumuno.

Teamwork – Ang magandang teamwork ng mga opisyales at crew ay makakatulong sa lahat sa mahirap at hindi ligtas na sitwasyon.   Ang pagtitinginan ng bawat isa at pagiging palagay ang loob na iulat ang mga isyu ng sariling kapakanan ay isang magandang senyales ng teamwork.   Hindi ito agad nakakamit at kinakailangan ng mahusay na safety culture ng isang kumpanya.

teamwork