Sitwasyon sa Makitid na Espasyo

Ang skipper ng isang recreational sailing vessel ang stand-on vessel sa isang engkwentro sa kalmadong dagat at maliwanag na araw, na may radar reflector at AIS na naka-operate. Ayon sa ulat ng skipper:

“Isang malaking container vessel ang dumaan sa likuran namin nang sobrang lapit… halos nasa loob ng 50m. Pinanatili ko ang aking kurso at bilis bilang isang stand-on vessel. Sinabi ng barko na kinakailangang magsagawa ng mga engine performance tests ang mga inhinyero nito, kaya’t kailangan nilang panatilihin ang kanilang direksyon at bilis.”

Nagpadala ang skipper ng video ng pag-uusap at mga screenshot sa CHIRP na nagpapatibay sa kanilang ulat.

Ang pagsusuri sa performance ng makina ay isang routine operation na regular na isinasagawa ng karamihan sa mga merchant ships.  Ginagawa ito upang matukoy ang mga problema, maiwasan ang malalaking aberya, mapabuti ang kahusayan, mai-optimize ang performance, masuri ang kalidad, at matiyak ang pagsunod sa mga regulasyong pangkapaligiran.   Bahagi ito ng SMS at PMS.

Ideally, isinasagawa ang ganitong pagsusuri sa ilalim ng maayos na kundisyon, kung saan mababa ang mga external factors tulad ng hangin, alon, at agos, upang makakuha ng pinakamagandang resulta.  Ang pagpapanatili ng kurso at bilis ay nagtitiyak ng stable na load sa makina; gayunpaman, maagang pagbabago ng kurso ng isa o dalawang antas gamit ang pinakamaliit na rudder movements ay maaaring maiwasan ang close-quarters situation nang hindi naapektuhan ang engine performance test.

Sa anumang pagkakataon, ang pagsunod sa ColRegs ay mahalaga. Kung kinakailangan, ang pagsusuri ay dapat itigil at muling itakda sa mas ligtas na oras. Sa insidenteng ito, tinanong ng CHIRP ang kumpanya ng pamamahala ng barko kung ang OOW sa container vessel ay kulang sa kumpiyansa upang itigil ang pagsusuri o hindi nila naramdaman na sila ay may kapangyarihang gawin ito?  Itinanong ng CHIRP ang mga ito at ang iba pang mga katanungan sa management company ng barko na lubhang nakakatulong sa pagimbestiga sa insidente.

 

Bagaman ang sailing vessel ay ang barko na hindi dapat hadlangan at tama nitong pinanatili ang kurso at bilis nito (ColRegs Rule 17a ii), malinaw na may panganib ng banggaan, kaya’t obligadong (ColRegs Rule 8f(iii)) umaksyon ang sailing vessel sa ilalim ng Rule 17b upang maiwasan ang banggaan.  Ang mga malalaki at mataas na barko ay may “blind sector” sa napakalapit na distansya, at malamang na hindi nakita ang yacht mula sa tulay ng container vessel sa distansyang 50m lamang.

Pag-unawa sa SitwasyonBagama’t mahalaga ang pagsusuri ng performance ng makina, ang pinakamahalagang requirement ay ang pagsunod sa ColRegs. Dapat tandaan na ang malalaking barko ay may “blind sector” na kadalasang umaabot nang malayo mula sa kanilang unahan.

KulturaDapat tanungin ng kumpanya kung ang kanilang mga opisyal ay may sapat na kumpiyansa upang kuwestyunin ang mga utos o tagubilin, lalo na kung may malinaw na panganib.