Mga Kumpidensyal na Salik ng Tao

Programa sa Pag-uulat ng Insidente

Single Column View
Mga Mali sa Disenyo na Nagdudulot ng Panganib sa Pilot Boarding at Crew Access

Pilot Boarding Report – Mga Aral mula sa Paulit-ulit na Transfer Attempts

 

Kondisyon ng Panahon (Unang Attempt):

Hangin: 33 knots SW

Dagat: 1.7 – 2.5m alon

Ang alon ay sumasalpok sa lower deck, kaya ito ay hindi madaanan.

Unang Attempt – hindi natuloy ang pagsakay – Ang crew ay nakita na nakatayo sa hatch cover sa ibabaw ng nakapirming dilaw na bakal na hagdan (tingnan ang nakalakip na larawan), na tila inaasahan na doon dadaan ang piloto.  Walang nakalagay na pilot ladder.

Itinigil ang pilotage act dahil sa kawalan ng wastong hagdan.  Inabisuhan ang Master, at may planong pangalawang attempt para sa sumunod na umaga.

Pangalawang Attempt – hindi natuloy ang pagsakay – Ang kondisyon ng panahon ay nanatiling katulad ng sa unang attempt.

Ang piloto ay pinasakay malapit sa accommodation area sa hulihan ng barko, sa lebel ng lower deck.   Ngunit ang lugar na ito ay paulit-ulit na natatabunan ng alon, na naging delikado para sa paglipat.

Dalawang crew muli ang nakapuwesto sa tuktok ng nakapirming patayong metal na hagdan. Ang ganitong ayos ay hindi ayon sa regulasyon at naglalagay sa panganib sa parehong piloto at crew.

Sinubukan ng crew na buksan ang gate sa gitna ng barko bilang alternatibong boarding position, subalit ang barko ay tinatamaan ng mga alon sa deck at malinaw na hindi ligtas (tingnan ang larawan sa itaas).

Pangatlong Attempt – natapos ang boarding  – Bumuti ang kondisyon, at ang piloto ay nakalipat sa pamamagitan ng lower deck.

Gayunpaman, ilang isyu sa kaligtasan ang napansin sa nakalagay na pilot ladder (tingnan ang larawan sa itaas):

Ang hagdan ay hindi nakasandal sa hull ng barko.

Ito ay nakatali sa handrail, hindi sa matitibay na lugar ng deck.

May harang sa itaas – ang tali ng hagdan ay hindi pantay sa deck, na lumikha ng panganib na matisod at masabit.

Naganap ang boarding makalipas ang 48 oras mula sa unang attempt, at pinupuri ng CHIRP ang matatag na posisyon ng mga piloto pagdating sa kaligtasan.  Ipinapakita ng ulat na ito ang patuloy na isyu: may mga barko pa rin na hindi makapagbigay ng ligtas at ayon sa regulasyong paraan ng pilot transfer, lalo na sa masamang panahon.   Sa kasong ito, dalawang attempt ang hindi natuloy dahil sa delikadong ayos at kawalan ng tamang pilot ladder.  Nakita ang mga crew na gumagamit ng patayong nakapirming hagdan at nakatayo sa hatch cover, parehong hindi ligtas at hindi ayon sa regulasyon sa maalong dagat.

Bagama’t naging matagumpay ang pangatlong attempt sa mas kalmadong panahon, ang pilot ladder ay nanatiling hindi ligtas, dahil sa maling pagkakatali, pagitan sa hagdan at hull, at may mga harang sa itaas. Ito ay seryosong nakakaalarma. Ang mga “improvised” na paraan ng boarding, kahit may mabuting hangarin, ay naglalagay sa piloto at crew sa labis na panganib. Ang mga regulasyon ng SOLAS at IMO ay hindi opsyonal; ito ang minimum na pamantayan.

Kung ang lower deck lamang ang puwedeng pagdaanan para sa transfer, dapat itong malinaw na nakasaad sa pilot card ng barko at napagkasunduan nang maaga. Hindi nakakatulong na ipaalam lamang ito sa pilot kapag nasa bridge na sila.  Nagdudulot ito ng katanungan na: may mga port ba na may nakahandang heavy weather boarding procedures, kasama ang itinakdang limitasyon sa panahon at kondisyon ng dagat? Tanging mga kondisyon na pasok sa pamantayan ang dapat payagan para sa pilot boarding.

Ipinapaalala ng kasong ito na kung ang isang barko ay hindi makapagbigay ng ligtas at ayon sa regulasyong paraan ng pilot transfer sa inaasahang kondisyon, maaaring hindi ito angkop para sa pilotage operations nang walang pagbabago. Ipapaalam ng CHIRP ang isyung ito sa mga kaukulang awtoridad upang pag-aralan kung kailangan ng karagdagang aksyon o gabay para maiwasan na maulit ito.

Ang paksa tungkol sa paglikha ng ligtas na lee para sa boarding ay tinalakay ng aming Maritime Advisory Board, na ilalathala sa“Hot Topics” section ng aming website sa lalong madaling panahon.

Lokal na kagawian –  Ang patuloy na pag-rely sa mga pamamaraang hindi naaayon sa alituntunin ay nagpapahiwatig na ang mga hindi ligtas na gawain ay maaaring hindi opisyal ngunit tanggap na sa barkong ito.

Pagkakuntento –  Tila tinatanggap ng crew ang mga hindi ligtas na paraan (hal. fixed ladders, hatch covers) bilang maaaring opsyon para sa boarding, na nagpapakita ng pag-normalise sa mga hindi nakaalinsunod na kagawian.

Kakayahan – Ang maling pagkakalagay ng hagdan at paulit-ulit na paggamit ng delikadong ayos ay nagpapahiwatig ng kakulangan sa pag-unawa sa SOLAS Ch V Reg 23 at pilot transfer standards.

Komunikasyon – Ang hindi malinaw na koordinasyon sa pagitan ng piloto at barko tungkol sa boarding points at kondisyon ay nagdulot ng delikado o hindi natuloy na attempt.

Mahahalagang Aral

Sa mga seaman – Alamin ang mga patakaran, huwag mag-improvise.   Ang mga hindi ligtas na boarding improvisations ay hindi lang basta labag sa regulasyon – ito ay naglalagay sa panganib sa inyong buhay. Laging gumamit ng tamang nakalagay na pilot ladders, huwag kailanman fixed ladders o hatch covers.   Kung may paga-alinlangan, itigil at i-paalam ang isyu.

Sa mga tagapamahala ng barko – Hindi sumusunod?  Hindi handa.   Ang mga barko ay dapat na pisikal at procedural na may kakayahang magsagawa ng ligtas na pilot transfer sa inaasahang kondisyon ng panahon.   Siguraduhin na ang pilot cards ay tama ang impormasyon sa boarding arrangements at ang crew at sinanay na magampanan ang SOLAS standards.

Sa mga regulators – Ang hindi ligtas na pagsakay ay nananatiling laganap.    Ang paulit-ulit na hindi pagsunod ay nagpapakita ng pangangailangan ng mas mahigpit na pagpapatupad, hindi lamang gabay. Palakasin ang pagbabantay sa disenyo ng pilot transfer at mga gawain sa barko, at siguraduhin na ang mga hindi angkop na barko ay mapilitang baguhin ang maling gawain bago pa man may mangyaring insidente.