Mga Kumpidensyal na Salik ng Tao

Programa sa Pag-uulat ng Insidente

Single Column View
Pagtaob ng isang Unmanned Survey Vessel (USV)

Isang unmanned survey vessel ang tumaob habang bumabalik sa kaniyang home port. Sa kabila ng pag-aalala ng marine team tungkol sa lumalalang panahon, ang misyon sa dagat ay pinalawig dahil sa komersyal na pressure.   Ang pagpapalawig na ito ay nagdala sa operasyon ng lagpas sa planadong limitasyon ng barko, at habang bumabalik sa port, ang USV ay tumaob sa isang mataong bahagi ng dinaraanan ng mga sasakyang pandagat.

Ang USV ay tuluyang na-recover.

Ang pagtaob na ito ay nagpapakita ng panganib ng mga desisyong operational na lumalampas sa environmental limits nito, lalo na kung dulot ng komersyal na pressure.  Bagama’t batid ang mga panganib ng panahon, ngunit ipinagpatuloy pa rin ang operasyon sa kabila nito, na nagdala sa barko lagpas sa ligtas na operating parameters.

Habang nagiging mas karaniwan ang USVs at MASS, kinakailangan na may malinaw na nakatakdang mananagutan.  Mahalagang tukuyin kung sino ang may huling kapangyarihan sa kanilang deployment at recovery.  Kung walang ganitong kalinawan, ang kalituhan o maling desisyon ay maaaring magdulot ng seryosong kahihinatnan.

Parehong may legal na pananagutan ang may-ari at operator sa kaligtasan ng kanilang barko at ng iba pang mga barko sa paligid.  Ang paglabas sa nakatalang operational limits ay maaaring magdulot ng legal na pananagutan.   Bukod dito, isang kamakailang desisyon ng IMO ang nagkumpirma na ang mga state-funded rescue services ay hindi obligadong i-recover ang mga unmanned vessels.  Ito ay nagbubukas ng mahahalagang tanong tungkol sa pinsala sa kapaligiran at mga panganib sa nabigasyon na dulot ng mga USV na napinsala o tumaob at naiwan na palutang-lutang.

Ang mga nasirang USV ay maaari ring magdulot ng pisikal na panganib.   Maaari silang kumilos nang hindi inaasahan, maaaring may gumagalaw na bahagi, o naglalaman ng mga aktibong electrical system.  Kung walang tiyak na kaalaman tungkol sa barko, ang paglapit dito ay maaaring mapanganib.   Naiuungkat din ng insidenteng ito ang tanong kung tinanggap ba ng mga may-ari at decision-makers ang mas mataas na panganib ng insidente dahil walang crew ang barko.   Kahit walang agarang panganib sa tao, nananatiling mahalaga ang mas malawak na operational, legal, at environmental na epekto.

Ang kasalukuyang training at certification standards ay nahihirapang makasabay sa mga teknolohikal na pagbabago.   Madalas, ang mga remote operations team ay binubuo ng mga propesyunal na may mataas na karanasan at may mga kwalipikasyong gaya ng OOW Unlimited, Chief Mate, Master, at Yachtmaster.   Gayunpaman, may agarang pangangailangan na baguhin ang STCW at kaugnay na regulatory frameworks upang sumalamin sa operational realities ng USVs at MASS.  Malaki rin ang pagkakaiba ng mga regulasyon kada bansa, na nagpapadagdag ng komplikasyon kapag ang mga barkong ito ay nag-ooperate sa cross-border o sa mga international waters.

Ang pangyayaring ito ay nagsisilbing babala sa maritime industry: habang umuunlad ang autonomy, dapat ding umunlad ang foresight, training, at responsibilidad.  Hindi dapat manaig ang komersyal na pressure kapalit ng kaligtasan.  Dapat magtulungan ang maritime community, regulators, at operators upang matiyak na ang mga safety standards ay kasabay na umuunlad ng mga inobasyon.

Pressure – Ang desisyon na palawigin ang misyon sa kabila ng kilalang panganib ng panahon ay naimpluwensyahan ng komersyal na konsiderasyon sa halip na operational safety.

Kamalayan sa sitwasyon Ang paglabas lagpas sa operational limits ng USV ay nag-expose sa barko sa hindi kinakailangang panganib.   Naiintindihan ito ng operations team ngunit hindi ng commercial team.

Komunikasyon – Ang pagpapaalam sa buong team ng mga panganib na kaugnay ng operasyon na ito ay dapat sana’y nakapagbigay-linaw sa lahat tungkol sa mga panganib.

Mahahalagang Aral

Sa mga seaman – Magsalita, kahit walang tao sa barko.  Ipinapakita ng insidenteng ito ang halaga ng propesyonal na paghusga, kahit sa remote operations. Dapat manatiling kumpiyansa ang mga seafarers at marine teams sa pagpapahayag ng mga alalahanin, lalo na tungkol sa lagay ng panahon at panganib.  Ang kawalan ng crew ay hindi nangangahulugan ng kawalan ng responsibilidad.

Sa mga tagapamahala ng barko – Ang komersyal na pressure ay nakakasira sa kaligtasan. Ang desisyon ng management na palawigin ang operasyon lagpas sa ligtas na limits nito – sa kabila ng input ng marine team – ay direktang naging contributor sa pagtaob.  Ang mga desisyon ukol sa kaligtasan ay dapat nakabatay sa panganib, hindi sa kikitaing salapi, at dapat bigyang kapangyarihan ang mga operational teams na kumilos nang walang panghihimasok.

Sa mga regulators – Kailangan pa rin ng mga patakaran ang remote vessels.   Ang lumalaking paggamit ng USVs at MASS ay nangangailangan ng malinaw na legal framework at updated na training requirements.   Dapat baguhin ang STCW upang isama ang remote operations, at ang pananagutan sa kaligtasan ng mga barkong ito ay dapat malinaw at maipatupad.