Ang Kawang-gawa
Aviation
Maritime
Isang tagapag-ulat ang nagbigay-alam sa CHIRP tungkol sa ilegal na pagtatapon ng mamantikang basura at plastik habang ang barko ay nasa biyahe patungo sa susunod na daungan. Â Â Nagbigay siya ng mga larawan at bidyo na nagpapakita ng mamantikang basurang galing sa engine room na itinatapon sa dagat sa utos ng mga nakatataas na opisyal.
Agad na inabisuhan ng CHIRP ang flag state, at di naglaon ay dumating ang flag state inspector sa barko upang magsagawa ng inspeksyon.  Nanatiling may malapit na komunikasyon ang reporter at ang CHIRP sa buong proseso.  Ang pangunahing layunin ng tagapag-ulat ay simple lamang: mapigilan ang polusyon sa kapaligiran at matiyak ang pananagutan ng mga sangkot.
Unang inireklamo ng tagapag-ulat ang isyu sa loob ng barko, at sinuportahan siya ng ibang mga tripulante sa kanilang pangamba tungkol sa epekto nito sa kapaligiran. Â Â Nang walang ginawang aksyon, nakipag-ugnayan sila sa CHIRP upang matiyak na mabibigyang pansin ang usapin. Ang kanyang moral na tapang at sense of responsibility ay kapuri-puri.
Bagaman minsan ay nakaramdam ng pag-iisa ang tagapag-ulat dahil sa karanasang ito, nanindigan siyang tama lamang na protektahan ang karagatan laban sa polusyon. Ibinahagi ng CHIRP ang mga ebidensya sa flag state, sa designated person ashore (DPA), sa kanilang mga insurer, at sa classification society upang maunawaan kung bakit nagkaroon ng naipong mamantikang basura at latak, at upang makatulong na maiwasan ang mga katulad na insidente sa hinaharap.
Hinihikayat ng CHIRP ang mga mambabasa na mag-ulat ng kanilang mga pangamba, kahit pa tila limitado ang tugon mula sa mga awtoridad. Â Â Bawat ulat ay nakatutulong upang maipakita ang mga sistematikong problema at mapalakas ang mga positibong pagbabago.
Ipinapakita rin ng kasong ito na ang proteksyon sa mga nagsasalita laban sa maling gawain ay hindi lamang isyu sa loob ng barko; ito rin ay repleksyon ng safety culture ng kumpanya sa pampang. Ang DPA, na may kapangyarihan at moral na tungkuling kumilos, ay may mahalagang papel upang matiyak na ang mga nagpapakita ng malasakit ay susuportahan at hindi patatahimikin.
Pinupuri ng CHIRP ang moral na katapangan ng tagapag-ulat. Ang insidenteng ito ay nagpapatibay sa dahilan ng pag-iral ng CHIRP: upang magbigay ng ligtas at independiyenteng paraan para sa mga marino na magsalita kapag may mali, at upang isulong ang pagkatutong nagpoprotekta sa tao at sa kalikasan.
Kultura – Mahina ang kultura ng kaligtasan at pangangalaga sa kapaligiran ng barko, at kinakailangan ng malaking moral na tapang mula sa tripulante upang magsalita at hamunin ang mga nakakapinsalang gawain sa kapaligiran.
Pagbibigay-Alam – Ang pagbibigay-alam ay isang mahalagang kasanayan, at nangangailangan ng tapang na magsalita lalo na kung may may panganib ng emosyonal o propesyonal na paghihiganti.
Mga Lokal na kagawian – Ang ilegal na pagtatapon sa dagat ay naging normal sa barko hanggang sa may isang tao na nag-ulat at nagbigay-alam sa mga awtoridad.
Pangunahing Aral
Sa mga Regulator: Protektahan ang dagat, at ang mga taong nagsisikap ding protektahan ito.
Dapat agad na tumugon ang mga flag state at awtoridad sa mga ulat ng ilegal na pagtatapon at magsagawa ng masusing imbestigasyon. Ang nakikitang aksyon, kasama ang makabuluhang parusa, ay nakakatulong maiwasan ang pag-uulit ng insidente at nagpapalakas sa kultura ng pagsunod. Â Â Ang gabay at pagpapatupad ng batas ay dapat bigyang-diin ng parehong proteksyon sa kapaligiran at proteksyon para sa mga nag-uulat.
 Sa mga tagapamahala ng barko: Ang pagprotekta sa mga whistleblower ay nagsisiguro ng kaligtasan para sa lahat.
Kapag ang mga seaman ay nakakaramdam ng sapat na kaligtasan upang tiwala at maayos na maulat ang mga isyu sa kaligtasan at kapaligiran, nagreresulta ito sa positibong pagbabago sa kaligtasan. Â Â May obligasyon ang mga manager na isulong ang positibong kultura ng pag-uulat. Dapat malinaw ang mga pamamaraan upang matiyak ang mabilis na aksyon at matibay na suporta para sa mga naglalabas ng alalahanin.
Sa mga seafarers: Nandito ang CHIRP upang tumulong sa inyo.
Mahalaga ang pag-uulat ng mga paglabag sa kapaligiran upang maprotektahan ang dagat. Kapag hindi ka nakakaramdam ng kaligtasan sa pag-uulat sa normal na proseso ng kumpanya, nandito ang CHIRP upang makinig at tumulong.