Ang Kawang-gawa
Aviation
Maritime
Habang umaalis mula sa isang fueling jetty sa loob ng daungan, isang USV at ang kaniyang support vessel ay napalibutan ng maraming sailing vessel na pumapasok sa pantalan. Â Â Dahil sa mataas na dami ng trapiko, parehong hindi nakagalaw nang ligtas ang mga barko, na nagresulta sa isang near miss. Â Â Nagdulot ito ng malaking panganib sa buhay at ari-arian, dahil ilang barko ang nanganganib mabangga o masira.
Ipinapakita ng near miss na ito ang mga hamon sa pagpapatakbo ng uncrewed surface vessels (USVs) sa masisikip na daungan kasama ang mga karaniwang sasakyan. Â Kahit na maayos ang plano ng operasyon, maaari pa ring magkaroon ng panganib kapag limitado ang espasyo para sa manibela at marami pang ibang barko sa paligid.
Lahat ng barko, crewed man o uncrewed, ay dapat ganap na sumunod sa COLREGs. Â Â sAng USVs ay dapat itrato na katulad ng iba pang sasakyan sa tubig, at may pantay na responsibilidad ang ibang gumagamit ng tubig na magbantay at gumawa ng maagap at epektibong aksyon upang maiwasan ang banggaan (Rules 2, 5 at 6). Gayundin, ang mga operator ng USV ay dapat sumunod sa Rules 8(e) at 8(f), pati na rin sa lahat ng iba pang naaangkop na regulasyon.
Ang master at remote operator ng isang USV ay dapat pormal na italaga at karaniwang nasa pampang. Â Sa maliliit na sasakyan, maaaring isa lang ang humawak sa parehong papel, ngunit ang isang remote operator ay makokontrol lamang ang isang sasakyan sa isang pagkakataon, samantalang ang isang master ay maaaring may ilang sasakyan sa ilalim ng kaniyang pamamahala.
Dapat asahan ng mga tripulante ang masisikip na lugar at panatilihin ang mataas na antas ng kamalayan, lalo na sa pagdating at pag-alis. Â Dapat tiyakin ng mga operator ng pantalan at mga manager ng barko na may malinaw na plano para sa pamamahala ng trapiko at komunikasyon tuwing aktibo ang USVs.
Maaaring nais ng mga awtoridad ng pantalan na suriin ang lokal na regulasyon at isaalang-alang ang gabay para sa operasyon ng USV sa mga lugar na may mataas na dami ng leisure o commercial traffic, kabilang ang mga kinakailangan para sa signalling, monitoring, at koordinasyon sa port control.
Situational Awareness – Ang dami ng trapiko ay nakapagdulot ng labis na hamon sa kakayahan ng USV/support team na magkaroon ng malinaw na mental picture ng lahat ng barko at kanilang mga intensyon.
Komunikasyon – Sa dami ng barko, masikip na agwat, at maaaring magkakaibang operator (yates, marina control), ang maling komunikasyon o hindi malinaw na intensyon ay maaaring magdulot ng hindi pagkakaunawaan.
Pagiging Kampante (Complacency) – Dahil pamilyar na ang pag-alis, maaaring na-undervalue ng mga operator ang panganib ng banggaan, na inaasahan na ang ibang barko ay “magbibigay-daan” o kusang lulutasin ng trapiko ang sitwasyon.
Mga Lokal na kasanayan – Sa ilang pantalan, karaniwan ang pag-alis sa masikip na trapiko nang walang malinaw na pagkakasunod o kontrol.  Ang lokal na kagawian na ito ay maaaring magpaliit sa safety margin at magpataas ng panganib ng insidente.
 Pangunahing Aral
 Sa mga Regulator at Awtoridad: Magregulate pati ng mga future na mga vessel, hindi lamang ang pamilyar.
Ang magkasamang operasyon ng crewed at uncrewed vessels ay nangangailangan ng na-update na mga pamamaraan at pangangasiwa. Â Mahalaga ang integrasyon ng USVs sa port at VTS systems, pagpapalakas ng koordinasyon, at pagpapahusay ng pagsasanay at gabay upang ligtas na mapamahalaan ang trapiko sa hinaharap.
 Sa mga Tagapamahala at Operators: Magplano para sa crowd — hindi para sa kalmadong kondisyon.
Ipinapakita ng insidenteng ito ang pangangailangan ng realistiko at maingat na risk assessment at pre-departure coordination na tumutugon sa aktwal na kondisyon ng trapiko, hindi lamang sa operational plan. Â Mahalaga pa rin ang human oversight, at ang epektibong pamamahala ng workload sa pagitan ng USV control teams at support craft. Huwag kailanman isakripisyo ang kaligtasan dahil sa iskedyul o komersyal na pressure.
 Sa mga seafarers: Kapag hindi malinaw ang sitwasyon, huwag kumilos.
Ipinapakita ng insidenteng ito ang kahalagahan ng pananatiling may kamalayan sa sitwasyon sa masisikip na tubig at ang pagkilala na ang uncrewed systems ay may limitasyon sa perception at manoeuvrability. Â Mahalaga ang malinaw at maagang komunikasyon, at mas ligtas na ipagpaliban ang pag-alis kaysa panganib ng paglala dahil sa kalituhan o siksikan sa trapiko.