Ipinadala sa amin ng aming reporter ang larawang ito ng dalawang marino na nagtatrabaho sa taas ng isang crane habang ang barko ay underway sa masamang kondisyon ng panahon. Makikita sa larawan na mukhang muli nilang nilagyan ng grasa ang mga sloping wire ng crane. Ang kanilang mga lifeline ay nakakabit sa parehong mga wires na kanilang tintrabaho. Kung sila ay madulas at mahulog, walang pipigil sa kanila na mahulog sa ilalim..
Hindi sila nakasuot ng safety helmet o lifejacket kahit na malapit sila sa gilid ng barko. Ang job order na ito ay naganap sa harap ng bridge, ngunit walang humamon sa kawalan ng safety o nagpahinto sa trabaho.
Ang mga operating at maintenance hazards ay maiiwasan sa pamamagitan ng maayos at magandang disenyo ng kagamitan. Sa kasong ito, maari sanang idisenyo ang crane upang maibababa sa kubyerta at makapag-maintenance nang hindi nagpapadala ng tao sa itaas. Kung ito ‘y imposible , ang designer ay maaaring magdagdag ng mga hand-hold at connection points para sa mga safety harness na ikabit upang ang crew ay magkaroon ng safe access .
Na-audit t ba ng Flag State at Classification Society ang mga maintenance routine upang matiyak na ligtas ang mga ito? Malayong sumang-ayon ang alinman sa organisasyong ito na ang pagpapadala ng mga crew na mag-working aloft habang nakabitin sa madulas na wires ay isang safe system of work.
Ito ba ay isang ehemplo nang poor local practice? Kung gayon, nakalulungkot na ito ay talamak at pangkaraniwang nangyayari sa barko. Kinuwestiyon ng CHIRP kung bakit hindi na lang ilatag sa kubyerta ang wire at grasahan habang nire-rewound ito?
Ang mga crew ay nakasuot ng maluwag na plastik na overshoes – ito ay pangkaraniwan (ngunit hindi ligtas) na paraan upang panatilihing malinis ang kanilang safety shoes at maiwasan ang pagkalat ng grasa sa deck kapag naglalakad. Gayunpaman, ito ay mas nagpapataas ng posibilidad sa pagkadulas at pagkahulog. Dapat maingat na isaalang-alang ang mga panganib kung gagamitin ang mga ito.
Ang nakaputing crew ay tila nakasuot lamang ng waist harness at hindi isang full-body harness. Ang hindi tama o hindi maayos na pagkakabit ng harness ay mas nagpapataas ng risk ng internal injuries kung sakaling biglaang huminto sapagkat dulo na ng lanyard.
May mga mga fall arrestor na binabawasan ang shock. Ngunit upang ito ay gumana kailangang ang taas ay nasa 2-4m. Kung walang sapat na clearance upang mahulog sa distansyang ito nang walang natamaan, maaaring buong bilis na bumulusok ang nagsusuot at mapahamak nang husto. Makikita sa larawan na makakatama ang crew sa crane arms bago pa gumana ang kanilang safety harness.
Ang pagkabitin nang nakapirme sa isang harness ay humahadlang sa sirkulasyon ng dugo at maaaring magdulot ng kahirapan sa paghinga (ito ay madalas na tinatawag na ‘suspension trauma’) kung hindi ka mailigtas sa loob ng 15 minuto. Kung ikaw ay inatasan na mag working aloft na may suot na harness, siguraduhing mayroongrescue plan na nakalatag. . Ito ay pamamaraan upang ligtas na makuha ang isang taong walang malay na nakalambitin sa isang harness. Dapat din itong regular na pinagsasanayan upang matiyak na magagawa ito nang ligtas at mabilis.
Kung ang iyong barko ay gumagamit ng mga safety harness para sa working aloft , tiyaking mayroongkarampatang rescue plan.
Inuusisa ng CHIRP kung bakit ang gawaing ito ay hindi naiantala hanggang sa bumuti ang panahon at nagtataka kung ito ay isang indicator na ang program ng barko ay masyadong puno upang maayos at ligtas na makumpleto ng maintenance.
Nagpapa alerto– Maaaring ipinadala ito sa amin ng aming reporter dahil hindi nila maalerto ang master o OOW. Kung nakita mo itong nangyari sa iyong barko , pakikinggan ka ba, o ito ba ay karaniwang kasanayan na at ipagkikibit-balikat na lamang? Ibahagi sa amin ang iyong mga karanasan.
Teamwork– Bakit hindi nakialam ang bridge team? Lahat sila ay bahagi ng iisang pangkat.
Pamumuno – Naganap ba ang insidenteng ito dahil kulang ang supervision, o naging isang katanggap-tanggap na local practice na ito?
Kakayahan– May angkop bang pasasanay ang mga crew sa paggamit ng safety harness? May rescue plan ba ang barko para rito? Nagsagawa ka ba ng working aloft ng walang nakalatag na rescue plan?Ano ang nangyayari sa iyong barko ?
Presyon – May hindi ba naangkop na time pressure na naipapataw sa mga opisyal at crew upang sila ay manatili sa timetable na nagreresulta sa kawalan ng safety? Mas binibigyang tuon ba ang kita higit sa kaligtasan? Kung gayon, bakit? Ang job order na ito ay malamang na hindi time-critical at maaaring ipagpaliban hanggang sa bumuti ang kondisyon ng panahon.