Combination ladders: Trapdoor Type Combination
Ang pilotong nag-ulat sa insidenteng ito ay siya ring nag-ulat ng kaparehas na non-compliant transfer arrangement sa barkong ito dalawang buwan ang nakalilipas. Sa oras na iyon, ang master ay naabisuhan, kabilang na ang mga drawings ng kinakailangan ng modipikasyon. Ipinaalam din ito sa port state. Pagdating sa daungan, walang nagawa para maitama ang sitwasyon.
Ang bagong master sa barko ay walang alam sa dating naging non-compliance report. Ang bagong pilot ladder ay hindi maisandal sa side ng barko bilang parte ng trapdoor combination. Ito ay nakabitin sa gilid ng barko ng 200mm. Sa pagkakataong ito, ang pormal na notipikasyon ay ibinigay sa PSC authorities upang mabigyang pansin ang barko.
Ang incident report ay nagbibigay-diin sa ilang mga isyu sa reporting culture ng kumpanya. Ang CHIRP ay nagulat na ang ship manager ay hindi nainform, kaya ang plano na gamit ang mga larawang ibinigay ng piloto ay hindi nagamit upang maging compliant ang mga arrangement. Isa pang nakakabahala ay ang kasunod na master na bibisita sa port na ito, dahil ito ay nasa liner service, ay magkakaroon ng kaparehas na non-compliance matter na itataas laban sa barko. Mula sa safety perspective ng piloto, ang kakulangan na ito ay hindi ligtas, at ang staff ng barko ay tila walang gaanong pagsaalang-alang sa ganitong kakulangan.
Ang pilotage at port state authorities ay kadalasang may konsiderasyon kapag mayroong tunay na unang beses na pagkakamaling nagawa, at binibigyan nila ng payo upang maitama ang problema. Hindi sila masyadong receptive kapag ang payo nila ay tahasang binabalewala. Hinihikayat ng port states o indibidwal na port authorities ang pagpapaigting sa kanilang mga piloto ng “stop work” authority, iyan ay, pagtanggi sa pagsakay sa barko na may non-compliant o hindi ligtas na pilot ladders. Maaari nila itong bigyang linaw sa mga bumibisitang barko sa kanilang pre-arrival documentation.
Alerting – Ang pag-alerto sa kumpanya ng mga pagkukulang ay sadyang mahirap na bagay na gawin. Hindi malinaw kung bakit, ngunit mas malamang sa pamamahala na hindi mag-react sa mga masasamang balita. Samakatuwid, hindi ito naibalita. Ang bagong master ay naiwanan ng may mas matinding kakulangan at ang reputasyon ng kumpanya ay nasira.
Culture – Tila mayroong poor communication culture ang kumpanya kung hindi hinihikayat ang masasamang balita. Nakaranas ka nadin ba ng katulad na isyu sa inyong barko? Wala bang gustong makinig sa iyong mga concern? Makipag-ugnayan sa CHIRP kung ang inyong safety management process ay hindi epektibo at kung hindi ka pinapakinggan.