Habang may recreational activities ang mga pasahero, isang E-foil jet ski ay tumigil dahil sa paubos na baterya habang ginagamit. Napagdesisyunan na ibalik ang E-foil sa yacht upang palitan ng full-charged na baterya.
Ang paubos na baterya ay tinanggal at nilagay sa deck sa beach club, at pinalitan ng fully charged na baterya. Pagkaraan ng 30 segundo, ang ginamit na baterya na hindi naman nakasaksak upang i-charge, ay nagpasimulang umusok. Makaraan ang 3 segundo pa, kalaunan ay umapoy. Naapula ang apoy sa ilang minuto gamit ang naka-install na hi-fog system at nakapirming fire hose. Kusang namatay ang hi-fog nang umalarma ang dalawang fire detectors.
Pumasok ang team na may suot na breathing apparatus matapos na maapula ang apoy upang kunin ang baterya at i-ventilate ang lugar bago ideklarang ligtas na muling pasukan.
Ang grupo na humahawak ng pagpapalit ng baterya ay lubhang mapagmatyag at mabilis na kumilos upang makontrol ang sunog sa simul anito. Dapat na purihin ang barko dahil sa pag-install ng hi-fog system at fixed fire hose system, gayundin ang tugon ng BA team. Maliwanag na mayroong magandang safety culture sa barko na pinagtitibay ng training sa mga miyembro nito.
Ang leisure industry ay may maraming kagamitan na may lithium-ion batteries, kaya obligado ang lahat na mas unawain ang mga panganib na nakapaloob sa kanilang paggamit.
Ang hindi matukoy na sanhi nito ay nakakabahala. Nais maintindihan ng CHIRP ng mas detalyado kung bakit ang ganitong mga baterya ay prone sa pagsiklab at sa mga thermal runaway reactions.
Ang thermal runaway ay nangyayari kapag ang baterya ay naglalabas ng toxic gases, na nag-aapoy, na nagdudulot ng mabilis na pagtaas ng temperatura sa napakamataas na antas.
Pinaniniwalaang ito ay dulot ng mechanical stress ng baterya, heat stress o electrical stress, na nangyayari kapag nasosobrahan ng charge ang baterya.
Pakiramdam ng CHIRP na mas ligtas sabihin na ang magandang klaseng baterya na maayos na inaalagaan at tinatanggal pag ubos na, ay dapat matiyak na mababawasan o mawawala ang pag self-ignite nito. Malugod na tatanggapin ng CHIRP ang mga ulat sa insidenteng kaugnay ng pagkasunog ng lithium-ion batteries.
Ang leisure industry ay may maraming kagamitan na may lithium-ion batteries, kaya obligado ang lahat na mas unawain ang mga panganib na nakapaloob sa kanilang paggamit.
Culture: Ang mahusay na safety culture ay pinakita ng boat crew – Ang inyong samahan ba ay may kaparehas na standards ng kagamitan, pagsasanay at tugon?
Local Practices: Gaano kapuspusan ang inyong pagsuri sa pagbili ng baterya na ginagamit upang mapagana ang inyong sports equipment? Mayroon ba kayong mga paraan sa pag-charge at pagtapon ng ganitong mga baterya?
Alerting: Naabisuhan ba ang mga miyembro ng mga potensyal na panganib ng lithium-ion battery na mga insidente? Mayroon ba kayong angkop na training programme para iwasan ang panganib na magkasunog?