Kamakailan ay may isang reporter na nagkaroon ng insidente sa kanilang barko na kung saan isang deckhand ay nagtamo ng pinsala sa daliri sa kaniyang kanang kamay.
Ang barko ay patungo sa pontoon sa moor sa tabi ng kaniyang regular na berth. Habang ang aft port quarter ng barko ay napunta sa tabi ng pontoon, ang deckhand ay gumamit ng boat hook upang kuhain ang ‘in-situ’ mooring line at nagpasimulang i-feed ang spliced eye sa pamamagitan ng fairlead. Nagpasimula siyang ilagay ang linya sa ibabaw ng bitts; dito na na-trap ang daliri sa kanang kamay ng deckhand, at malubhang pinsala ang tinamo sa tatlong daliri nito.
Ang paglalagay ng mooring line sa ibabaw ng bitts ay nangangailangan ng kamalayan sa sitwasyon ng galaw ng barko, posisyon ng mooring line at ng mga crew member. Ang peligro na maipit ang kamay ay kilalang panganib at maaari itong i-normalise sa mga routine operations.
Kapag ang eye ng mooring line ay nasa fairlead na ng workboat, kinakailangan ng sapat na haba ng mooring line sa workboat upang ang eye ay maaari ng ilagay sa ibabaw ng bitts na hindi dumidikit ang kamay ng crew dito. Maiiwasan sana ang biglaang pag-snatch ng linya, na maaaring makapag-trap sa daliri ng crew, kung hawak nito ang eye ng mooring line.
Para sa mas mabibigat na linya, ang maliit at matibay na lubid ay maaaring ikabit sa eye ng mooring upang mahatak ito sa ibabaw ng bitts na hindi nagkakaroon ng kontak sa mooring eye.
Ang pagiging alisto ng kasamahang crew member, kadalasan ng coxswain, upang makapagbigay ng safety cross-check ay upang matiyak na ang kamay ay palaging clear kapag hinihigpitan ang eye sa bits ng workboat. Gayunpaman, ang disenyo ng workboat ay hindi palaging nakakapagbigay ng malinaw na line of sight sa working deck.
Ang mga panganib na kinakaharap habang may routine work ay maaaring ma-normalise at makalikha ng mas malaking panganib sa mga crew. Kinakailangan ng karagdagang safeguards, kabilang na ang pag-alerto, pagsasanay, pagpapalit ng working practices upang mailayo ang mga kamay sa eye ng moorings.
Kamalayan sa Sitwasyon – Ang pagpapanatili ng magandang kamalayan sa sitwasyon habang nagsasagawa ng regular na trabaho ay maaaring maging demanding. May sumusuri ba sa ginagawa ninyo?
Komunikasyon— Mahalagang may tumitingin sa inyong katrabaho habang nagsasagawa sa mooring. Ang inyong workboat ba ay may magandang line of sight upang nakikita ng lahat kung ano ang nangyayari? Mayroon ba kayong buddy alerting system?
Design 1— Ang disenyo ba ng inyong workboat ay sapat upang matiyak na ang mooring transfer operations ay naka-optimise para sa kaligtasan? Angkop ba ang tamang haba ng in situ mooring line? Kailangan ba itong pahabain upang magkaroon ng mas mababang tsansa na maipit ang daliri? O dapat bang walang mooring eye na nilalagay sa ibabaw ng bitts sa mooring line?
Design 2—Kinakailangan suriin ng pangasiwaan ang disenyo ng workboat upang matukoy kung ito ay akma para layunin nito.