Isang barko ay may probisyon na isang buwan na suplay para sa dalawang buwan na paglalayag at nakaplanong angkorahe. Ang mga crew ay nautusan na irasyon ang mga probisyon nito. Dahil hindi pa sila nababayaran ng tatlong buwan, hindi sila makabili ng karagdagang mga probisyon, kaya lumapit sila sa CHIRP para humingi ng tulong.
Ayon sa shore management company ay wala sila umanong sapat na pera para makapabigay ng sapat na probisyon. Nakipag-ugnayan ang CHIRP sa Flag State ng barko, na agad namang umaksyon at inutusan ang kumpanya na mag-suplay ng sapat na pagkain at tubig at bayaran ang hindi pa nababayarang sahod.
Ang Maritime Labour Convention regulation 3.2. ay nag-uutos sa mga barko na tiyaking may sapat na pagkain at inuming tubig na may naaangkop na kalidad sa barko. Nakasaad din dito na bayaran ang atrasadong bayad ng mahigit na dalawang buwan na maaari ng maituring bilang pag-abandona sa mga crew.
Kakayahan – Ang shore management company ay kulang sa pinansyal na abilidad na mag-operate ng ligtas, kung kaya ay nalalagay ang mga crew sa panganib.
Kultura – Hindi nirerespeto ng kumpanya ang manggagawang nagtatrabaho upang patakbuhin ang kanilang barko. Ang kapakanan ng crew ay hindi maaaring ihiwalay sa kaligtasan, ang kaligtasan ng mga tripulante sa barko ay nakompromiso. Nakaranas ka din ba ng kaparehas nito?
Lokal na kasanayan – Iwasan na ang mga lokal na kasanayan ay maging ‘established norms’. Iulat ang mga ito!