Mga Kumpidensyal na Salik ng Tao

Programa sa Pag-uulat ng Insidente

Single Column View
Fatigue: Ligtas ang crewing sa papel, ngunit may panganib sa aktwal na sitwasyon

Nakatanggap ang CHIRP ng isang ulat na may kaugnayan sa fatigue na nagbibigay-diin sa patuloy na epekto ng pagkapagod sa buong maritime sector. Batay sa salaysay ng reporter at sa iba pang mga pagsusumiteng may kaugnayan sa fatigue, inilalahad ng CHIRP ang pinagsamang safety perspective na ito upang ipakita ang isang mas malawak na systemic safety concern. Ang pagkakapare-pareho ng mga ulat na natatanggap ng CHIRP ay nagpapahiwatig na ang mga ito ay hindi mga nakahiwalay na alalahanin, kundi mga paulit-ulit na indikasyon ng mas malawak na pressure sa industriya. Kabilang sa ulat na ito ang aktuwal na SHIELD taxonomy (Safety Human Incident and Error Learning Database) upang magbigay ng karagdagang konteksto.

Ang fatigue ay nananatiling isa sa mga pinakamatagal at pinaka-hindi naiuulat na panganib sa maritime operations. Bihira itong nagmumula sa isang mahabang shift lamang o sa isang nakahiwalay at mahirap na linggo.  Mas madalas, unti-unti itong nabubuo dahil sa patuloy na pagkakalantad sa mahihirap na iskedyul, hindi sapat na panahon para makarekober, pressure sa staffing, at isang kultura kung saan ang “pagtiis” ay nagiging normal.

Patuloy na nakaririnig ang CHIRP mula sa mga personnel na may working patterns na kinabibilangan ng paulit-ulit na night shifts, naaantalang tulog, mataas na stress, at bumababang alertness. Bagaman maaaring naitatala ang minimum hours of rest bilang compliant, ang tunay na recovery ay madalas na hindi nakakamit sa aktuwal na praktis.

Mahalaga ang pagkakaibang ito: ang regulatory compliance ay hindi laging nangangahulugan na ang isang tao ay fit for safe duty.

Maraming safe crewing models ang binuo batay sa mga palagay na hindi na sumasalamin sa modernong operasyon ng barko. Ang mga crew member ngayon ay nalalantad sa mas mataas na mental at emotional load, kabilang ang tuloy-tuloy na connectivity sa shore management, isang 24-hour information environment, at tumataas na administrative demands. Mas mabilis ang port turnarounds, mas mahigpit ang commercial schedules, at madalas na may karagdagang tasks na ipinapataw na may kaunti o walang dagdag sa bilang ng tao o oras na magagamit.

Kasabay nito, ang mga hamon sa recruitment at retention sa ilang sektor ay nagpababa ng experience levels onboard, na naglalagay ng karagdagang pressure sa mga natitira at nagpapataas ng exposure sa fatigue. Ang kawalan ng katiyakan tungkol sa napapanahong relief ay maaari pang magdagdag ng strain. Ilang reporter ang naglarawan ng cumulative fatigue matapos ang matagal na trabaho sa gabi, na may recovery periods na hindi ganap na nakapagpabalik ng normal sleep patterns.

Partikular na nakababahala ang mga ulat na ito dahil madalas itong kinasasangkutan ng mga experienced personnel na kinikilala ang mga panganib ngunit nahihirapan pa ring pamahalaan ang fatigue exposure. Naiulat sa ilang submissions ang microsleeps, pagkawala ng konsentrasyon, at fatigue-related near misses habang isinasagawa ang mga routine tasks. Ang mga ganitong pangyayari ay hindi dapat ipagwalang-bahala bilang mga nakahiwalay na lapses o individual failings; ipinapakita ng mga ito na maaaring humihina na ang safety margins.

Ang machinery alarms, maintenance defects, o equipment unreliability ay kinikilalang mga trigger para sa intervention, at dapat ding ilapat ang parehong prinsipyo sa bumababang human performance. Ang mga sistema ay inaalis sa operasyon kapag hindi ligtas ang makinarya; sa parehong paraan, dapat kumilos ang mga organisasyon kapag ang personnel ay hindi na sapat ang pahinga upang ligtas na magampanan ang kanilang mga tungkulin.

Nauna nang binigyang-diin ng CHIRP ang tensyon sa pagitan ng operational safety at commercial efficiency. Sa ilang kaso, ang crewing levels ay tila nakabatay sa minimum legal thresholds o cost benchmarks sa halip na sa workload na kinakailangan para sa ligtas na operasyon.  Kapag ang planning ay umaasa sa patuloy na “pagtitiis” ng mga tao, maaaring ang sistema ay nagpapatakbo na lampas sa ligtas na limitasyon.

Ang mga research initiative tulad ng Project MARTHA at ang Horizon programme ay nakatulong sa mas mahusay na pag-unawa sa fatigue, human performance limits, at workload.  Pinatitibay ng kanilang mga natuklasan ang isang pare-parehong mensahe: ang fatigue ay hindi maaaring epektibong pamahalaan sa pamamagitan ng paperwork lamang.

Ang fatigue ay hindi limitado sa isang partikular na department, rank, o role. Makikita ang kaparehong patterns sa bridge, engine room, at iba pang safety-critical functions, kapwa sa dagat at sa pampang.  Ang recognition, reporting, at intervention ay kailangang ilapat nang pare-pareho, anuman ang experience level o posisyon.  Mahalaga ang pagtrato sa fatigue bilang isang shared operational hazard sa halip na individual weakness upang mapanatili ang epektibong safety margins.

Ang epektibong fatigue management ay nangangailangan ng pagtingin nang lampas sa minimum rest requirements upang maunawaan kung paano aktuwal na nararanasan ang trabaho (“work as done”). Kabilang sa mga early indicators ang paulit-ulit na near misses, lapses in attention, tumataas na error rates, o informal concerns na inilalahad ng personnel.  Kapag naroroon ang mga ganitong indicators, ang fatigue ay dapat ituring bilang isang safety risk na nangangailangan ng aktibong pamamahala, katulad ng technical defects o degraded equipment. Maaaring kinakailangan ang pag-aadjust ng workload, muling pagsusuri ng rosters, pagrepaso sa task allocation, o pagpapaliban ng non-essential activity upang maprotektahan ang safety margins. Kapag naroroon ang mga palatandaang ito, kinakailangan ang agarang mitigation measures upang maiwasan ang karagdagang pagbawas sa safety margins.

Ang fatigue ay bihirang mabuo nang biglaan. Naiipon ito sa paglipas ng panahon at maaaring maging normal sa loob ng isang organisasyon, kaya mas nagiging mahirap kilalanin ang panganib.

Binibigyang-diin ng ulat na ito ang agwat sa pagitan ng naitalang compliance at tunay na recovery. Ang nakatalang rest period ay hindi garantiya ng restorative sleep. Ang ingay, stress, disrupted circadian rhythms, paulit-ulit na pagtatrabaho sa gabi, at naipong sleep debt ay pawang nagpapababa sa kalidad ng recovery.

Pinatitibay din ng ulat na ang fatigue ay nakaaapekto sa lahat, kabilang na ang experienced personnel. Ang competence at professionalism ay mahahalagang safety defences, ngunit hindi nito kayang lampasan ang biological limits.

Ang mga near miss na kinasasangkutan ng lapses sa konsentrasyon o microsleeps ay mga early warning signs na maaaring nagsisimula nang lumiit ang safety margins, na nagbibigay ng pagkakataong makialam bago pa magkaroon ng mas seryosong pangyayari.

Nauna nang nakatanggap ang CHIRP ng mga ulat na nag-uugnay sa fatigue sa navigation errors, poor decision-making, ineffective communication, at unsafe shortcuts. Ang mga pattern na ito ay palagiang lumilitaw sa iba’t ibang sektor, na nagpapakita na ang fatigue ay nananatiling isang malawakang systemic hazard.

Ang safe crewing levels ay nangangailangan ng regular na pagsusuri. Sa ilang pagkakataon, maaaring natutugunan ng minimum crewing ang mga regulatory requirements, ngunit hindi na nito lubos na nasasalamin ang aktwal na operasyon onboard, kung saan tumaas na ang administrative workload, maintenance demands, commercial pressure, at mga inaasahan sa mas mabilis na port turnaround..

Kapag ang mga sistema ay umaasa sa patuloy na “pagtitiis” ng mga tao, maaaring naroroon na ang mga warning signs.

Fatigue (Pagkapagod) – Ang naipong kakulangan sa tulog, paulit-ulit na night shifts, at hindi sapat na pahinga o recovery ay nakababawas sa pagiging alerto, konsentrasyon, at kakayahang gumawa ng tamang desisyon.

Pressure – Ang commercial at operational demands ay maaaring maghikayat ng patuloy na operasyon kahit nabawasan na ang fitness for duty.

Komunikasyon – May mga alalahaning naiparating ngunit hindi nabigyan ng epektibong solusyon. Kapag naniniwala ang mga tao na ang kanilang mga alalahanin ay hindi hahantong sa pagbabago, maaaring bumaba ang reporting at tiyak na maaapektuhan ang morale.

Pagkakampante – Ang microsleeps, near misses, o fatigue ay maaaring maging normal kung hindi hahamunin o tutugunan.

Pag-aalerto – Maaaring magpatuloy sa pagtatrabaho ang mga indibidwal kahit sila ay pagod, sa halip na alisin ang kanilang sarili sa duty o i-escalate ang kanilang mga alalahanin. Mahalaga na manatiling alerto ang crew members at ihinto ang trabaho kung pinaghihinalaan nilang sila ay nakararanas na ng pagkapagod.

Pagtutulungan – Ang kakulangan sa staffing at mas kaunting experienced personnel ay nagpapataas ng workload at nagpapababa ng system resilience.  Napakahalaga ng teamwork sa ganitong mga pagkakataon.

Lokal na kasanayan – Ang sunod-sunod at mahahabang gabi ng trabaho ay maaaring maging katanggap-tanggap sa kultura o nakasanayan na, kahit ito ay hindi ligtas. Kuwestyunin ang maling normalidad na ito at gawin ang kinakailangang pagbabago sa roster patterns upang maitama ito.

Natukoy ang SHIELD Taxonomy

Acts – Ano ang nagkakamali – Hindi sinasadyang lapses o pagkukulang sa atensyon, nabawasang monitoring, naantalang reaksyon, at mga pagkakamaling may kaugnayan sa pagkapagod.

Preconditions – Mga factor na nakaaapekto sa performance – Kakulangan sa tulog, pagkagambala sa circadian rhythm, stress, hindi sapat na recovery o pahinga, mataas na workload, at humihinang vigilance o pagiging mapagmatyag.

Operational Leadership – Mga polisiya na nakaaapekto sa trabaho – Rosters, mga desisyon sa crewing, task allocation, at pang-araw-araw na pamamahala ng fatigue risk.

Organisational Influences – Impluwensiya ng kumpanya / external environment – Staffing models, recruitment pressures, commercial priorities, safety culture, at ang pagiging epektibo ng fatigue management systems.

 

Mahahalagang Aral

Ang minimum crewing ay hindi palaging nangangahulugang optimum crewing. Ang pagsunod sa requirements sa papel ay hindi garantiya na ang fatigue risk ay tunay na nakokontrol sa aktwal na operasyon.

Regulators

Ang documented compliance ay dapat i-assess laban sa aktuwal na workload, administrative burden, at operational tempo upang matukoy kung epektibo ang fatigue controls.

Operators / Managers

Ang mga sistemang umaasa sa pagtiis ng mga pagod na tao ay hindi ligtas. Ang crewing levels, schedules, at workloads ay dapat sumasalamin sa operational reality. Ang fatigue indicators, tulad ng equipment alarms, ay dapat mag-udyok ng pamamagitan ng mga tagapamahala.

Seafarers / Contractors

Ang professionalism ay isang mahalagang safety barrier, ngunit hindi ito dapat ang tanging barrier. Manatiling alerto sa mga early warning signs tulad ng nabawasang konsentrasyon, pagiging iritable, o paulit-ulit na pagkakamali.  Ilahad nang maaga ang mga alalahanin, suportahan ang mga kasamahan, at i-cross-check ang mga critical tasks kapag mataas ang fatigue risk.