Isang port berthing officer ang umaattend sa isang malaking container vessel na nagbe-berth ng nakatanggap ito ng tawag mula sa radio ng mooring team na mabilis na pumunta sa likuran upang imbestigahan ang isang seryosong insidente na naganap sa mooring operations.
Ang aft mooring launch ay nakaupo sa stern ng containership, habang naghihintay na maibaba sa kanila ang pangatlong linya. Sa halip, ang dalawang linya ay napadpad sa pampang at naikabit sa may bollard. Napahina ito ng aft mooring team saka naitapon sa tubig. Sinubukan ng launch na lumayo sa mga linya upang maiwasan ang pagkabuhol-buhol. Nang ang launch ay halos clear na, muling naihagis ng barko ang dalawang linya, para lamang maabutan ang mooring launch, umangat ito mula sa tubig at nag-crush sa ilalim ng flare ng barko. Ang dalawang launch crew ay naisip ng iwanan ang craft, dahil hindi padin nakuha ang atensyon ng mga crew sa kabila ng kanilang matagal na pagsigaw at pagpapatunog sa kanilang busina.
Sa huli, napagtanto ng aft mooring crew ang nangyari at pinahina ang mga linya. Maliban sa boat crew na matindi ang pagkakaliglig dahil sa insidente, walang natamong mga pinsala sa mga crew, subalit nagkaroon ng ilang pinsala sa mooring boat.
Ito ay malinaw na kaso ng miskomunikasyon habang nagsasagawa ng krikital na bahagi ng mooring operation. Ang mga barko ay kadalasang nag pa-payout ng mga linya upang mabawasan ang bigay sa kanila at inililipat ito sa working drums. Ang pinakaligtas na paraan upang maisagawa ito ay matapos na ang lahat ng mga linya ay nasa pampang na, at inililipat isa-isa, upang ang mga linya at ang barko ay manatiling nasa kontrol. Iniisip ng CHIRP kung mayroon bang real- or perceived-time pressure sa mooring party upang gawin nila ang napakadelikadong short-cut?
Situational Awareness– Kapag ang mga launches o ang ibang mga barko gaya ng tugs ay kadalasang pinapadali ang line handling, nagiging komplikado naman ang trabaho ng mooring officer dahil dapat ay sabay nilang mapanatili ang kamalayan ng kung ano ang nangyayari sa barko at gayun din sa kabilang side. Madalang sa isang barko ang may sapat na bilang ng crew upang makapagtalaga ng bawat isang tao sa kada gawain. Bagama’t ito sana ay ideal. Sa halip, kinakailangan ng dagdag na ingat habang nagtratrabajo sa mga lines sa mga kalapit na barko.
Pressure- Ang mooring operation ay hindi kailanman dapat minamadali. Kinakailangan ng pag-iingat ng master at piloto upang makapagbigay ng nasa oras na mensahe sa mooring teams upang maseguro na ang bawat order ay naisasagawa ng maingat at hind isa madaliang paraan.
Distractions- Ang mooring team ay nadistract ng hindi nila narinig ang alerto ng mooring boat noong na-trap na sila sa hull ng barko. Ang pagiging alerto habang nasa mooring operations ay mahalaga, dahil sa pabago-bagong nature ng galaw ng barko at ang strain sa mooring lines.