Habang ang barko ay nasa tabi ng aming terminal, isang matagal na low amplitude na alon (groundswell) ang nagdulot sa malaking bulk carrier na mag-yaw at roll. Ang paggalaw na ito ang nagdulot sa edge ng roller fairlead na lagariin ang isa sa mga forward spring lines. Sa kabutihang palad, ito ay nakita ng isa sa mga crew bago pa man ito mahati ng tuluyan, at nagawa pa nilang palitan ang linya bago ito humiwalay.
Ang tugon ng crew sa isang potensyal na mapanganib na sitwasyon ay lubhang kapuri-puri; ang kanilang pagiging alerto at mabilis na pag-aksyon ang naka-iwas sa paghihiwalay ng mooring lines at mga posibleng karagdagan pang komplikasyon.
Iniisip ng CHIRP kung maayos ba ang pagkaka-assess sa berth ng charterer’s agent sa umiiral na kondisyon ng panahon? Ang mga claims sa hindi ligtas na berth ay nadidiin sa charterer at hindi sa may-ari nito, kaya dapat ay mayroong on-site local agent na makakapagkumbinsi sa kanila na angkop ang berth at magsasabi ng mga concern nito sa terminal operator.
Ang disenyo ng mounting block na kung saan ang pares ng roller fairleads ay nakadikit ay kinakailangang repasuhin. Ang 90-degree edges nito ay gumaganap bilang blade sa lumulubog na lubid nito. Pinaalalahanan ang mga naval architects na ang mga edges ay kailangang isaalang-alang habang nasa design phase palang ang bagong gagawin na barko. Sa pagtatanggal ng ganitong hazard, sa puntong ito, ay malaki ang maibabawas na tyansa na ang mga linya ay makaskas o humiwalay sa buong lifetime ng barko. Ang OCIMF’s Mooring Equipment Guidelines (MEG4)[1] ay nagbibigay karagdagang gabay sa disenyo at konstruksyon ng mooring system.
ng wastong pagkakabit ng mooring ay hindi lamang mahalaga sa kaligtasan ng mga crew, kungdi pati sa pagpapanatili ng structural integrity ng barko. Ang panganib na kaakibat ng hindi tamang pagkaka-install ng mga mooring – kabilang na ang potensyal na pagkamatay, pagkasugat, pagkapinsala at dagdag na gastos – ay maaaring epektibong maiwasan sa pagbibigay ng importansya sa mooring design at kalidad ng konstruksyon.
Ang mga may-ari ng barko ay mananatiling responsable sa maintenance sa maraming pagkakataon, at kailangan din nilang tiyakin na ang mga nakatagong panganib nito ay matanggal sa lalong madaling panahon, o sa pinakahuli, sa susunod na maintenance period ng barko.
[1] https://www.ocimf.org/publications/books/mooring-equipment-guidelines-meg4
Communications- ang mga pagkukulang sa disenyo ay naiparating ba sa mga naval architect upang masigurado na maialis na sa mga hinaharap ang mga panganib na ito sa barko?
Fit for purpose- Ang pag-berth ba ay akma para sa layunin nito sa umiiral na kondisyon ng panahon? Kinumpirma ba ng local agent ng charterer na gayon nga ang pangyayari? Tinanong ba nila ang terminal operator?
Teamwork– Ang ulat na ito ay magandang halimbawa ng epektibong monitoring ng mga crew ng barko.
Design- Kailangang iwasan na ng mga naval architects ang pagdisenyo ng may matutulis na gilid na maaaring madaanan ng mga linya. Mga Crew: ang barko ninyo ba ay may ganitong isyu? Kung gayon – i-report ninyo ito!