Sa umaga habang papalapit sa isang buoyed channel, ang main engine ng isang loaded tanker ang pinahinto upang magbigay ng mas mahabang oras na hintaying mawala ang kasikipan sa berth.
Sa pagdaan sa panlabas na pasukan ng harbour, ang main engine ay hiniling na mag-Dead Slow Ahead subalit nabigong umandar. Lumipas ang maraming minuto subalit wala pang naging tahasang impormasyon na nakuha mula sa engine room sa kung ano ang pinagmulan ng problema, na di kalauna’y napag-alaman na dahilan sa control issue sa mga fuse nito.
Ang mga engineer, sa kahilingan ng master at piloto, ay hindi kaagad matukoy ang lokal na kontrol ng main engine, kaya napagdesisyunan na i-dredge ang starboard anchor sa isang pansamantalang anchorage malapit sa safe water area.
Hiniling ang isang tug sa lokasyon upang matulungang mailipat ang barko sa designated anchorage area.
Ang mga engineers sa kalaunan ay nagbigay ng lokal na kontrol sa main engine. Tinatayang makalipas 2 oras, dumating na ang tug sa lokasyon at ginawang fast forward bago simulan ang pagtimbang sa anchor. Ang barko ay hinila sa nakatalagang anchorage gamit ang local kontrol ng main engine, ayon sa kahingian. Ang barko ay nanatiling naka-angkla sa loob ng tatlong araw, kasama ang Class surveyor habang ginagawa ito.
Nababahala ang reporter sa labis na oras na kinailangan upang ma-assess ang mekanikal na problema na nangailangan pa ng agarang pag-angkla at pangangailangan sa mas pamilyaridad sa emergency side controls.
Binigyang diin sa ulat na ang wastong assessment skills at pamilyaridad sa maritime emergency equipment ay mahalaga sa pagtiyak sa kaligtasan at pagiging epektibo ng maritime operations. Ang kahalagahan ng karanasan sa pagtukoy ng sanhi ng mga problema sa engineering ay nai-highlight, binibigyang-diin ang pangangailangan ng engine team na magkaroon ng collective thinking upang magkaroon ng epektibong kolaborasyon sa bridge team para sa pag-anticipate at pagplano ng mga kinakailangang aksyon.
Gayunpaman, ang infrastructure support at assistance availability ay maaaring mag-iba depende sa lokasyon ng barko, na nakakapag-dagdag sa pagiging kumplikado nito sa panahon ng emergency.
Pagdating sa pagsasanay ng mga engineers upang sama-samang mai-address ang mga engineering problems, ang Short Term Strategy (STS) approach ang nirerekomenda, lalo na kung wala pang pre-defined rules o pamamaraan na magagamit. Ang pagkakaroon ng meetings sa Engine control room upang pag-usapan ang mga problema, pag-assess ng risks at pag-evaluate sa magagamit na oras ang mga paraan upang mapahusay pa ang teamwork, makabuo ng shared mental model, at mapabuti ang komunikasyon sa pagitan ng engine at bridge teams. Ang collaborative approach na ito ay nakakatulong upang matiyak ang magkakatugmang tugon sa mga hamon.
Minumungkahi din ng ulat na ang engineers ay kailangang maging bihasa sa pag-operate ng side controls partikular na sa kanilang sariling barko at pagsanayan na gamitin ito ng regular upang mapanatili ang pamilyaridad sa mga sistema. Ang pag-require sa bawat engineer ng side control kahit isang beses man lang kada mayroon silang tour of duty (tipikal na kada tatlong buwan) ay makakatulong na mahasa ang kanilang kakayahan at matiyak na kaya nilang epektibong mapamahalaan ang mga kritikal na kagamitan.
Kinikilala din ng ulat ang professionalism na pinakita ng master at piloto sa partikular na insidenteng binanggit. Ang kanilang mga aksyon ay naaayon sa kalubhaan ng engine problem, na nagpapakita ng kanilang expertise at abilidad na angkop na mapangasiwaan ang challenging na sitwasyon.
Alerting- Ang pagpapanatili sa bridge na alam ang problema sa engine room ay mahalaga. Ang information exchange ay dapat maigsi at malinaw na naipapasa. Kung sinusubukan mo padin alamin ang problema, sabihin mo. Ang bridge team ay makakakilos base sa impormasyon at makakagawa ng contingency plans. Dapat ay naiintindihan ng bridge team na ang pagresolba sa problema ay isang hamon at kailangan isaalang-alang habang may contingency planning.
Teamwork- Magkaroon ng shared mental model ng problema at hikayatin ang pagkakaroon ng challenge. Ito ay isang skill set na dapat magkaroon ang lahat ng operational leaders sa panahon ng emergency response operations.
Capability- Magtanong sa inyong susunod na barko – alam ba nating lahat kung paano mag operate ng emergency side controls? Kailan ang huling beses na pinagsanayan mong gamitin ito? Ang mga DPA/Ship manager ay dapat na hilinging makita ang ESC sa operasyon kung ipahihintulot ng mga pangyayari.