Isang piloto ang nag-ulat na pagkatapos ng kanilang disembarkation papunta sa pilot launch, ang accommodation ladder (na parte ng combination rig) ay nakitang nakasunod na sa dagat ng napatid ang mga alambre para sa accommodation ladder.
Maaaring magkaroon ng malalang pinsala ang paalis na piloto kung nasa accommodation ladder ito makalipas lang ng ilang minuto. Bakit patuloy padin itong nangyayari?
Ang kaparehang insidente ay nailathala sa MFB Edition 66 pahina 3, kung saan sa kabutihang palad, hindi nagkaroon ng malalang pinsala ang piloto.
Ang mga alambre ay nangangailangan ng regular na maintenance at regular na pagpapalit ayon sa SOLAS at SMS maintenance procedure ng kumpanya. Ang paggamit ng alambre na nakalagay sa gangway ay upang i-break-out/stow ang gangway at iposisyon ang gangway sa kinakailangang anggulo nito sa azimuth o elevation, upang ang magtratrabaho dito, kabilang na ang piloto, ay magkaroon ng daanan sa barko. Dahilan na ang posisyong ng mga gangway ay kung saan ang dagat at spray ay sumasalpok sa hagdanan at makapag-papabilis ng corrosion, hinihikayat ng CHIRP na ang mga alambre ay madalas na mapalitan kaysa sa kasalukuyang isinasaad ng regulasyon. Gayundin, ang regular na pagbaba sa hagdanan sa humigit-kumulang ay parehas na posisyon ay makapagbibigay ng mas mabigat na load at sira sa parte ng alambre at maaaring magdulot ng mas mabilis na pagpalya kahit na ang ibang mga alambre ay tila nasa mabuting kondisyon.
Sa aming Annual Digest (2022-23), itinataguyod namin na magkaroon ng pagpapalit sa loob ng 12 buwan na pagitan dahil sa malaking bilang ng pagpalya ng mga alambre. Nakatanggap ang CHIRP ng maraming ulat na kung saan ang mga alambre na mga napatid habang ginagamit at nais naming ipunin ang mga ulat na ito bilang ebidensya na kailangan ng palitan ang regulasyon sa 12-month frequency para sa renewal nito.
Hinihikayat din ng CHIRP ang mga manufacturers na muling isaalang-alang ang gangway design upang ang mga crew member ay mabilis na makapagsiyasat at makapag-panatili ng mga alambre.
Reference: Pilot ladder Safety – Do it right the first time
Disenyo – Kailangan mong makita ang mga alambre upang masuri mo ito. Maraming mga alambre ang nakatago, lalo na sa mga termination. Ang mga manufacturer ay dapat tignan ang disensyo na may focus sa pagpapanatili ng crew. Ang inyo bang barko ay may nakalaan na gangway wire sa barko?
Kakayahan – Ang mga improvement sa inspekyon ay nangangailangan ng kasanayan kung alin ang dapat hanapin. Nabigyan na ba kayo ng alinmang formal equipment maintenance training? O ito ba’y natutuhan mo lamang sa kasamahan sa barko?
Kamalayan sa Sitwasyon – Isipin mo ang kahinaan ng gangway at maglagay ka ng mas mahigpit na mga hakbang patungkol sa maintenance. Bigyang konsiderasyon mo ang mga tao na kailangang gumamit ng gangway bilang parte ng kanilang trabaho, gaya ng piloto, at dagdagan ang safety factors para sa mga parte ng barko na gumagalaw. Isaalang-alang ninyo ang paghati sa panahon ng mga maintenance at replacement.
Pag-alerto – Kung nasuri mo ang iyong gangway at natagpuang nasa mahinang kalagayan ang kondisyon ng mga alambre, ipagbibigay-alam mo ba ito sa fleet?