Habang ang isang chef ay palabas ng galley area, isinara niya ito pagkatapos kumain, napansin nila ang may lumalabas na usok mula sa mas maliit at bihirang gamiting bahagi ng galley. Bilang pag-aalala, inimbestigahan ito ng chef at nakitang ilan sa mga kahon ng pizza ay nasusunog. Ang mga ito ay nailagay sa ilalim ng heating lamps, na kung saan walang nakakakaalam, at hindi sinasadyang nabuksan sa panahon ng paglilinis nito. BIlang mabilis na aksyon, dali-daling iniulat ng chef ang sunog sa bridge gamit ang radio communication system, at pinatay ang heating lamp at pumunta sa ligtas na distansya malapit sa pintuan.
Agad na rumesponde ang mga duty deckhand na walang pagkaantala. Ang kanilang inisyal na pagtatangkang pigilin ang apoy gamit ang high-fog system ay nagkaroon ng hamon dahil sa paglakas ng apoy. Sa kabilang dako, isa pang chef ang tumulong, inalis niya ang mga nasusunog na pizza boxes papalayo sa iba pang mga gamit upang mapigilan pa ang pagkalat ng apoy. Sa lumalalang sitwasyon, gumamit ang duty deckhand ng foam extinguisher upang epektibong maapula ang usok sa mga pizza boxes at sa mga nakapaligid na heating lamps.
Agad na dumating ang mga dagdag na tripulante at gumawa ng mga disididong emergency measures, pinatay ang lahat ng mga electrical system at bentilasyon sa galley upang maiwasan pa ang pagkalat ng apoy. Kasabay nito, ang mga kalapit na pinto ay agad na isinarado din upang mabawasan ang pagkalat ng usok sa ibang parte ng barko.
Pinag-usapan ng mga engineer ng barko ang manual na operasyon ng ventilation system mula sa engine control room (ECR), na may layon na epektibong mailabas pa ang natitirang usok mula sa galley area.
Mula ng maiulat ang pagkasunog sa bridge, ang pagpigil at pagkontrol sa sunog ay tumagal lang ng tinatayang anim na minuto.
Pinuri ng CHIRP ang crew at ang pangangasiwa sa pagkakaroon ng mga bihasang crew na mabilis na napangasiwaan ang delikadong sitwasyon. Gayunpaman, may ilang mga punto na mahalagang mabigyang-diin. Ang bridge ay naabisuhan gamit ang radyo at rumesponde sa insidente. Sinoman na nakaalam na may sunog ay dapat gumawa ng malakas na sigaw bilang alarma (gaya ng pagsigaw ng ‘Sunog, Sunog, Sunog’), at ang fire alarm, kung naaakma, ay dapat laging patunugin. Ang parehas na ito ay dapat maka-alarma sa lahat ng nasa paligid na mayroong sunog upang makatulong na harapin ito. Ang bentilasyon ay dapat na pahintuin kung hindi ito awtomatikong napapatay. Ang paggamit ng high-fog sa pagpatay ng sunog ay hindi epektibo at sa kasong ito ay nagbibigay katanungan kung ito ba ay tamang gamitin kung sumiklab na ang apoy.
Ang paglipat ng init mula sa energy light source ay maaaring sobrang taas, at hindi kinakailangan ng direktang kontak dito upang magsimula ng apoy. Ang mga materyales gaya ng karton at plastik na mga takip ay mabilis na umuusok o natutunaw, kahit na madikit ito sa mga normal na shipboard lighting source. Ang minimum distance warning sign ay kinakailangang ilagay sa malapit sa heat lamp upang ang mga nasusunog na materyales ay hindi mainitan at masunog, o mayroong angkop na bantay na ilalagay sa paligid ng lamp upang makapagbigay ng pisikal na harang na sumusunod sa minimum safe distance, kung naaangkop.
Ang mga light switch ay dapat na maayos na nalagyan ng pangalan at nakaposisyon sa maayos na lokasyon na malapit sa storeroom na pinagsisilbihan nito. Dapat ay malinaw ang label. Kung may pag-aalinlangan, maaaring tanungin ang electrical officer upang tignan ang function ng switch na ito.
Ang pag-iimbak ng alinmang materyales ay dapat palaging kinukonsidera mula sa pananaw ng panganib na magkasunog at kung paano ikontrol ang ganitong panganib. Ang pag-alis ng panganib ang pinakamabisang paraan upang mabawasan ito. Kung matapos na makapag-debrief sa insidenteng ito, ang heating lamps ay natagpuang walang operational function, kaya kailangan ng konsiderasyon na ilayo ito sa circuit. Kaya naman naging non-operational ito at may label na gayon.
Ang insidenteng ito ay nagbibigay importansya sa pagiging alisto at nagbibigay-diin sa epektibong teamwork at kritikal na tungkulin ng bawat isa sa pagtiyak ng kaligtasan at seguridad ng barko at mga sakay nito. Ang pagtutulungan at mabilis na aksyon ng mga iba’t ibang crewmembers – mula sa inisyal na pagkadiskubre ng chef hanggang sa magkakatugmang response efforts – ay mga dahilan na tuluyang mapigilan at maapula ang apoy.
Ang ISM Code Section 8, Emergency Preparedness, ay iniuutos ang regular na pagsasanay at emergency drills. Ang maigsing pagtugon ay nagbibigay-diin sa halaga nito, at habang mayroong mga areas for improvement, ang mga crew ay napigil at naapula ang apoy. Ito ay mahalagang aral para sa maritime safety at nagbibigay-diin sa kahalagahan ng patuloy na pagsasanay at paghahanda.
Kamalayan sa sitwasyon – Ang pagtugon ng mga tripulante sa emergency ay mabilis at naaangkop. Kinakailangan ng mas malawak na kamalayan sa function ng switch (pagkontrol sa heat lamp) ng mga tripulante. Malamang na ang mga heat lamps ay dati ng nabuksan na wala namang naging pinsala. Gayunpaman, sa pagkakataong ito, ang mga kahon ng pizza ay nailagay malapit sa mga lamp at nasunog dahil sa sumisingaw na init mula sa mga ito.
Komunikasyon – ang switching arrangement ay kahalintulad sa ibang barko na may kaparehas na class. Ang pag-uusap sa mga posibleng panganib sa ibang barko na may parehong uri sa pamamagitan ng pag-label sa switch at pagbibigay ng safeguard upang maiwasan ang pagdidikit sa nasusunog na mga materyales ay kinakailangan. Paano pinag-uusapan ng inyong kumpanya ang mga design hazard?
Disenyo – Ang mas maayos na disenyo sa bagong paggawa, pagbibigay ng built-in safeguards para sa heat contact at switches sa parehas na kuwarto, gaya ng sa mga lamp, ay makakatulong upang maiwasan ang aksidenteng paggamit nito.