Isang reporter ang lubos na nag-aalala tungkol sa operational practices na isinasagawa sa kanilang tug at barge operations:
“Bilang isang baguhang empleyado sa industriya, ang aking karanasan sa barko ay nakapagbigay ng seryosong pangamba sa aming kabuoang safety culture at mga protocol.
Habang nasa tug, napansin ko ang matinding pangangailangan na magkaroon ng dagdag na pamilyarisasyon at kawalan ng buddy support. Sa halip na ipares ako sa isang kwalipikadong deckhand para sa mahalagang on-the-job learning, naiwan ako upang gawin ang mga gawain ng mag-isa. Ang kawalan ng mentorship ay nagresulta ng kapansin-pansing puwang sa aking pag-unawa sa mga crucial safety procedures.
Ang mas nakaka-alarma pa dito, nagkaroon ako ng matinding pinsala dahil sa exposure sa isang walang pangalang kemikal na tinukoy bilang “carbon remover.” Ang kawalan ng wastong label at kaalaman sa paggamit ang nagdulot ng matinding pagkapaso sa mata. Ang insidenteng ito ay nagpapakita ng pagkabahala sa safety protocols ng kumpanya para sa paghawak ng ganitong hazardous substances.
Dagdag pa sa mga safety issues na ito, napansin ko din ang hindi nakasisiyang kondisyon sa barko, partikular na ang patungkol sa kalinisan. Kasama na ang kakulangan sa training, nagpapakita ito ng nakababahalang larawan ng pangkalahatang kapaligiran sa trabaho.”
Ipinagbigay alam ng CHIRP ang mga concern ng reporter sa Flag State Authority, na ipinaalam naman sa CHIRP na iniimbestigahan na nila ang mga pahayag na ito.
Ipinahihiwatig ng ISM Code ang pangangailangan sa pamilyarisasyon at training (6.3, 6.5). Ito ay dapat na isagawa upang matukoy ang lahat ng mga panganib at mabawasan ang alinmang kaugnay na panganib para maiwasan ang alinmang safety incidents sa barko.
Naglakas-loob ang reporter na ipagbigay-alam ang kakulangan ng kumpanya sa CHIRP, na siya namang kapuri-puri.
Kakayahan – Ang pangasiwaan ng kumpanya ay tila mayroong kakulangan sa resource capability upang matiyak na ang kanilang mga empleyado ay nabibigyan ng sapat na basic safety familiarisation. Ang ganitong sitwasyon ba, gaya ng inilarawan, ay nangyayari sa inyo? Kung gayon, makipag-ugnayan kayo sa CHIRP.
Teamwork- Ayon sa reporter, kinakailangan ng dagdag na kooperasyon upang matulungan ang mga baguhan sa industriya. Ang inyong kumpanya ba ay mayroong mentoring system para sa mga baguhan o may “buddy” system?
Kultura – Ang pangasiwaan ng kumpanya ay kinakailangang magpakita ng safety culture. Ang pagkuha ng kontrata sa paghatak sa isang nasirang barge, na hindi akma sa tubig, ay isang malinaw na halimbawa ng pagbibigay ng mababang prioridad sa kaligtasan.