Nakatanggap ng ulat ang CHIRP mula sa isang barko sa dagat. May nadaanan daw silang handy-sized bulk carrier at napansin ang isang ilaw sa loob ng isa sa mga cargo cranes, na may dalawa sa anim na hatches nito na bukas. Sa panahong iyon, ang naobserbahang barko ay nagpatuloy na sa 7 knots sa isang busy shipping area.
Ang AIS ng barko ay nagbigay ng kalapit na port of destination nito. Habang pinagmamasdan ang paggalaw ng handy-size bulk carrier, napansin ng reporter na ang barko ay nagbago ng kurso upang humanap ng kanlungan sa kalapit na isla.
Gabi na iyon at ang kondisyon ng panahon ay Beaufort 3, na may kapansin-pansing pag-alon na 1.0 m, at tyansa ng pag-ulan.
Mahalagang mabigyang-diin ang mataas na panganib ng ilang maritime operations. Ang pagbubukas ng hatch lids at pag-operate ng crane sa seaway ay nagpapakita ng malaking panganib at hindi dapat pahintulutan. Dagdag pa dito, ang pagtratrabaho sa gabi habang umaandar ang barko ay hindi kailangan at dapat iwasan.
Ang desisyon na humanap ng shelter sa kalapit na isla, gaya ng naiulat, ay nagpapahiwatig na ang barko ay nagsagawa ng kaukulang akyon dahil sa emergency.
Ang pag-operate ng crane at pagbubukas ng buo sa cargo hatch lids sa dagat ay maaaring maisailalim ang mga crane components, gaya ng heel pins, slewing bearings, at sheaves, wires, sa karagdagang puwersa. Kahit na sa ilalim ng mahinang pag-alon, ang potensyal na synchronised motion at pag-alon ng dagat ay maaaring magdulot ng hindi makokontrol na pag-ugoy ng barko, na makakapagdulot ng matinding banta at panganib na mapinsala ang hold, crane at mga kaugnay na kawad.
Ang mga cargo hatch lids ay nakadisenyo para sa operasyon sa port at sa mga nakasilong na anchorage. Ang pagtatangkang buksan ito sa dagat ay maaaring makapagdulot ng malaking pinsala sa hydraulic rams na kumokontrol sa hatch covers at magkaroon ng potensyal na isyu ng hindi pagkakahanay ng mga ito.
Tungkol sa nabigasyon, ang barko ay dapat sumunod sa Collision Regulation habang pumapalaot. Ang pagsasagawa ng kaukulang aksyon upang maiwasan ang kolisyon, gaya ng pagpalit ng kurso, ay maaaring maka-epekto sa dynamic forces ng hull, cargo, crane at hatch lids ng barko. Ang pagtitiyak ng mahigpit na pagsunod sa safety guidelines at regulasyon ay mahalaga para mabawasan ang panganib at matiyak ang kapakanan ng mga crew at integridad ng barko.
Kamalayan sa Sitwasyon – Ang mga kahihinatnan ng pagsasagawa ng operasyon sa dagat ay kailangang maintindihan. Ito ang pinakahuling paraan at nangangailangan ng input ng manager upang mabawasan ang mga panganib.
Pag-alerto – Kung palipat-lipat ang kargo, naapektuhan nito ang stability ng barko, kinakailangan ng tulong mula sa pinakamalapit na coastguard station, at dapat maghanap ng port of refuge. Kailangan maipagbigay alam ito sa pangasiwaan.