Habang nagsasagawa ng routine safety rounds sa engine room, nakita ng isang crew na ang isang vent pipe sa main engine lube oil settling tank ay hindi maayos ang pagkaka-secure pabalik sa posisyon nito matapos na tinanggal ito habang maintenance. Ang oversight na ito ay nakakapagdulot ng malaking panganib, dahil maaaring mahulog ang pipe mula sa tanktop habang ang tumatakbo ang barko.
Bagama’t nararapat papurihan ang mga crew para sa kanilang masigasig na pagsusuri sa kaligtasan at mabilis na pagtugon sa isyu sa chief engineer – lalo na’t sa mahirap na sitwasyon ng settling tank vent pipe –ang pag-iwan sa trabahong hindi natapos ay hindi katanggap-tanggap, dahil sa kahalagahan ng tangke.
Kung ang tubo ay mahulog sa mas mababang bahagi ng engine room, maaari itong magresulta sa nakamamatay na pinsala o malubhang pagkasira sa mga kalapit na machinery. Bukod pa rito, ang hindi secured na vent pipe ay nag-iiwan sa settling tank na posibleng malantad sa kontaminasyon.
Ang ganitong gawain ay nangangailangan ng detalyadong toolbox talk at maayos na risk assessment. Walang gawain ang dapat ituring na tapos hangga’t hindi ito nasusuri at naaprubahan ng isang superbisor, at ito ay dapat malinaw na nabanggit sa toolbox talk.
Ang ulat na ito ay nagbubukas ng ilang katanungan: Sapat ba ang bilang ng tao upang maayos na matapos ang gawain? Na-distract ba ang team sa ibang gawain – kung gayon, ano ang mga hakbang na isinagawa upang matiyak na hindi ito makakalimutan? Sapat ba ang antas ng superbisyon?
Pagiging Alisto – Ang mga crew na nagtatrabaho ay tila hindi mulat sa posibleng mga kahihinatnan ng hindi pagse-secure ng vent pipe. Kung ang mga panganib ay maayos na natukoy sa risk assessment at toolbox talk, maiiwan pa rin kaya ang tubo nang hindi nakasecure?
Teamwork – Ang crew ay dapat nagtatanong tungkol sa seguridad ng tubo at gumawa ng mga hakbang upang muling ma-secure ito. Kung ikaw ay bahagi ng trabahong ito, tatalakayin mo ba ang mga kinakailangang hakbang sa iyong team? May matibay bang safety culture ang inyong kumpanya na naghihikayat ng pagtutulungan at sama-samang pag-unawa sa kaligtasan?
Pag-alerto – Ang crew member na nag-ulat ng panganib sa chief engineer ay karapat-dapat bigyan ng pagkilala sa kaniyang mabilis na aksyon sa pagtukoy ng isyu.
Mga Pamamaraan – Walang gawain ang dapat ituring na tapos hangga’t hindi ito nasusuri at naaprubahan ng isang senior engineer.