Naglalakbay ang isang Dual Fuel Diesel Electric (DFDE) LNG carrier sa dagat ng gabi. Sa oras na 0400, nagising ang reporter dahil sa isang fire alarm at isang PA announcement na mayroong sunog sa compressor room, kung saan ito ay isang unmanned space (UMS).
Dahil sa takot na magkaroon ng pagsabog, nagsuot ng PPE ang reporter at pinuntahan ang senior engineer sa labas ng compressor room. Kinailangan ng lakas nilang dalawa upang mabuksan ang pinto laban sa positibong air pressure sa compartment. Mula sa pintuan, wala silang makitang senyales na may sunog o usok ngunit hindi sila agad pumasok dahil wala sa isa sa kanilang naka-alalang magdala ng mga portable gas detector. Nagpadala sila nito at ng dumating na ang mga ito, nakumpirma nila na walang gas doon. Pumasok ang tatlong miyembro ng team sa compartment suot ang kanilang breathing apparatus. Sa masusing paghahanap, nakumpirma nila na walang sunog.
Kumbinsido ang bridge team na nakakita sila ng usok na lumalabas sa compressor room. Sinuri ng pangkat ng tatlong tao ang katabing motor room at nakumpirma din na walang sunog.
Pumunta ang emergency party sa tulay, at sinabi ng bridge team sa kanila na nakakita sila ng malaking usok na lumalabas mula sa ventilation shaft ng compressor room. Ito ay ininspekyon at natagpuang warm naman. Kaya napagpasyhan ng pangkat na napagkamalian ng bridge team ang steam cloud bilang usok sa dilim.
Naisiwalat pa sa karagdagang imbestigasyon na nagkaroon ng pagkawala ng kuryente sa buong barko, na naibalik lamang ilang sandal bago tumunog ang fire alarm. Nagpatuloy na lumayag ang barko, ngunit nadiskubre na sira ang fire detection panel at ang gas detection mode ay nakapatay, kaya walang paraan upang matukoy kung may sunog o gas leak ba.
Ang mga LNG carriers ay gumagamit ng inert nitrogen gas system sa motor room at compressor room upang maiwasan ang pagkakaroon ng hangin/oxygen at water vapour, na maaaring makapagpa-yelo at makapinsala sa mga kritikal na kagamitan sa barko. Nagsisilbi din itong paraan upang mabawasan ang panganib na magkasunog.
Ang labis na nitrogen gas ay inilalabas sa pamamagitan ng maliit na singawan sa compressor room roof, na maaaring makita mula sa bridge. Kadalasan, ang dami ng nailalabas ay napakaliit lamang at halos hindi mapapansin. Subalit kapag nagkaroon ng brownout, naglalabas ang Sistema nito ng mas malaking dami at biglaang usok. Ang gas na ito ay sobrang malamig at kapag na-meet nito ang atmospera sa compressor room roof, nagdudulot ito ng pag-condense ng water vapour sa steam cloud na magmumukhang usok.
Nawalan ng kuryente ang barko dahil hindi gumana ang uninterruptable power supply (UPS) nito. Ang pagkawala ng kuryente ang nakapagpa-trigger ng fire alarm at nakapagpa-reinforce sa persepsyon na may sunog sa compressor room.
Dahil ang barko ay bagong gawa (mga isang taon palang) at kamakailan lang pumasok sa serbisyo, ang depekto sa UPS ay malamang na umiral dahil ito ay bagong gawa palang at hindi pa natutukoy dati. Ang pagsusuri sa mga existing na UPS test at inspection regime ay makakatulong, gayon din ang pagpapalawig pa ng awareness ng bridge team sa mga epekto kapag nawawalan ng kuryente sa isang nitrogen gas system at ang posibilidad na magkaroon ng pansamantalang paglabas ng usok na maaaring makita pagkatapos ng ilang sandali.
Situational Awareness – ang mga taong nagigising mula sa mahimbing na pagkakatulog ay nakakaramdam ng pagkagrogi at disoriented ng ilang minuto matapos na gumising. Ito ay nakakahadlang sa abilidad na magkaroon ng sapat na situational awareness at nakakapagpaliwanag kung bakit ang portable gas detectors ay hindi agad nakuha sa umpisa. Ang pagkakaroon ng nakasulat na listahan ng aide memoir ay makakatulong sa ganitong mga sirkumstansya.
Alerting – ang bridge team ay tama sa pagtaas ng alarma dahil sa paniniwalang mayroong sunog sa compressor room.
Teamwork – hindi nabanggit sa ulat na nagkaroon ng headcount sa lahat na nakasakay sa barko, subalit ito sana ay magandang practice sa panahon ng sakuna.
Training – ang pagtugon sa emergency kapag gabi ay mas mahirap kaysa sa umaga. Nagsasagawa ba kayo ng mga emergency drill sa gabi?