Habang nag-aangat ng 9m tender sa garahe, bumigay ang isang forward lifting point. Sa kabutihang palad, sa puntong ito, ang tender ay nasa ibabaw ng chocks at nahulog ng mga 30cm sa posisyon nito, na nagdulot lamang ng maliit na pinsala. Isang crew member ang nasa loob ng tender subalit hindi naman nasugatan.
Ang lifting points ay sinusubukan kada taon at regular na biswal na sinusuri, subalit dahil sa disenyo nito, ang underside ng lifting point ay hindi nadadaanan, at anomang corrosion ay hindi nakikita.
Ang lifting points ay pinaayos at pinatatag, at isang inspeksyon sa hatch ang isinagawa. Ang SOP ng barko ay binago, upang ikabit ng mga crew member ang crane hook sa lifting points, mag-exit sa tender bago pa man ito i-angat, at pumasok lang sa tender makaraang nasa tubig na ito.
Positibo ang naging ulat: maraming safety improvements ang isinagawa at ang barko ay pinuri sa magandang safety culture nito. Ang disenyo ng kagamitan ay nakahadlang sa inspeksyon ng underside ng lifting equipment. Madalas, pinipigilan natin ang ating sarili na ipabatid ang mga safety report na may hindi magandang disenyo or nakakabit na equipment sa paniniwala na ito ay ‘masyadong malaki para palitan’ o ‘baka tama ito – ganito ito ginawa’. Subalit kahit ang mga naval architect ay maaaring magkamali dito, at kung ito ay naiulat, naiwasto na sana ito sa sumunod na refit. Huwag matakot na ireport o irekord ang inyong mga alalahanin tungkol sa design deficiencies. Ang organisational safety management ay nag-ooperate sa isang cycle ng continuous improvements. At ang ship designers ay malulugod na makatanggap ng feedback upang magkaroon pa ng improvement.
May mga kapaki-pakinabang na references ang nakadetalye sa examination at inspection regimes para sa lifting equipments kabilang na ang UK MCA’s MGN 332(M+F) Amendment 1 at ang Cayman Island’s Shipping Notice 04/2021. Bukod pa rito, ang UK MGN 560(M) ang nagtatakda sa SOLAS III/36 para makapag-launch ng mga appliances. Ito ay dapat na sundin kung ang tender ay classified din bilang lifeboat o rescue boat. Ang pagsama sa inspektor sa panahon ng masusing eksaminasyon ay isang mabuting pagkakataon para matuto: panoorin kung ano ang kanilang sinusuri at magtanong.
Safety Culture: Ang mabilis na pagtutuwid sa mga depekto ay nagpapakita ng positibong safety culture sa barko. Sa barkong ito, ang crew ay kumpiyansa na ang kanilang mga safety concerns ay pinakikinggan.
Alerting: Kung may nakita kang mali – magsalita ka. Hindi dahil ginawa siyang ganoon, ibig sabihin ay tama na ito.
Design: Ang mga mambabasa ay hinihikayat na palaging maging mapagbantay at banggitin ito sa mga designers at architects na madalas ay hindi naman sila ang gumagawa sa mga equipments na kanilang binubuo.