Nakatanggap ang CHIRP ng dalawang cargo stowage-related reports na may kaparehas na sanhi.
Sa halimbawa ng jerry-can, ang weight distribution ay hindi wastong naisaalang-alang habang nagkakaroon ng vanning operation, na nagdulot ng mga isyu habang naglalayag. Ang paggamit ng magandang klaseng plywood sheeting upang makapag-distribute ng bigat nito sa jerry cans ay isang inirerekomendang gawi. Ito ay makakatulong upang pantay na madistribute nito ang load kada tier, na nakakabawas ng chance para sa paggalaw o potensyal na pinsala. Dagdag pa dito, ang paggamit ng dunnage sa loob ng container ay nakakapigil sa cargo shifting sa loob ng container. Ito din ay magandang practice upang makakuha ng larawan ng mga containers matapos na mai-load na ang mga ito. Ito ay napakahalaga sa mga crew sa panahon ng panganib dahil pinahuhusay nito ang kanilang kamalayan sa sitwasyon nang hindi kinakailangang buksan ang container.
Ang ikalawang insidente rin ay nakakapagbigay-diin sa kahalagahan ng pag-iimbak ng mga cargo, at partikular na ang mga Dangerous Goods cargoes, ng wasto. Ang International Maritime Dangerous Goods Code (IMDG Code) at ang Code of Safe Practice for Cargo Stowage and Securing (CSS Code) ay nakakapagbigay ng kapaki-pakinabang na patnubay sa wastong paghawak, pag-impake, pag-iimbak, at mga securing procedure upang mabawasan ang panganib ng mga aksidente at maprotektahan ang mga crew, barko, at kapaligiran.
Ang mga naka-bag na charcoal ay dapat na mapalamig muna nang hindi bababa sa 14 na araw bago ang packaging, dapat ay protektado ito mula sa moisture, at nakalagay sa sift-free at robust bags na walang mga punit. Ang mga bag ay dapat makatagal sa bigat ng iba pang mga bag na nakasalansan sa kanila. Ang pagkontrol sa temperatura ay napakaimportante, ang mga kargo ay dapat hindi lalampas ng 5 degrees sa taas ng ambient temperature nito sa panahon ng paglo-loading.
Lahat ng partidong kasali sa transporation process, kabilang na ang carrier, charterer at freight forwarders, ay dapat kilalanin at mag-demand na nasusunod ang magandang stowage practice. Ang mas mainam na training at pagpapatupad ng mga regulasyon ay nakakatulong upang maiwasan ang mga aksidente, maprotektahan ang mga personnel at mapangalagaan ang kapaligiran.
Local Practices– Ang mga charterer ay dapat magtanong sa mga shippers at freight forwarders. Ang stowage ba ay naaayon sa industry at seamanship standards? Ang isang larawan ay isang makapangyarihang katibayan upang kumpirmahin na ganito nga ang sitwasyon.
Communications- May sapat bang impormasyon ang mga vessel managers upang matukoy ang mga panganib para sa pagdadala ng DG?
Capability- Tiyaking may sapat na resources ang mga management team upang pamahalaan ang pagkarga ng mga DG cargoes: ang hindi sapat na mga resources ay maaaring humantong sa mga mapanganib na shortcut. Ang DG team ba ng inyong kumpanya ay may sapat na resources at kasanayan upang matugunan ang mga hinihingi sa kanila?
Teamwork- Ang mabisang supply chain teamwork ay hindi nakikita sa alinman sa mga insidenteng ito.