Isang piloto ang sumakay sa isang loaded na log-carrying vessel at malapit na itong umalis. Walang ligtas na daanan sa ibabaw o sa palibot man ng mga troso. Ang natatanging daan upang makapasok sa forecastle ay ang pagbabalanse sa mga railings na nasa gilid ng barko o sa pamamagitan ng pag-akyat sa ibabaw ng mga troso. Wala man lamang sa mga crew ang nakasuot ng wastong PPE upang umakyat ng ligtas sa ibabaw ng mga troso, at ang mga nagbabalanse sa gilid ng barko ay may panganib na mahulog sa dagat. Tinalakay ng piloto ang bagay na ito sa master at inalerto ang mga awtoridad sa mga importanteng paglabag sa kaligtasan.
Ang Code of Safe Practice for Ships Carrying Timber Deck Cargoes (the 2011 TDC Code) ng IMO ay nalalapat sa timbercarrying vessel na may higit 24m. Bagaman hindi ito sapilitan, nagbibigay ito ng gabay sa kaligtasan na nagsasabing:
(2.8.2) “Maaaring mangailangan ng espesyal na mga pamamaraan upang masiguro ang ligtas na access sa taas at sa tapat ng kargo” at
(2.8.5) “Isang safe walking surface na hindi bababa sa 600mm ang lapad ay dapat na mailagay sa ibabaw ng kargo” sa tabi ng isang wire lifeline.
Ang iminumungkahing PPE ay isang safety harness, lifeline at naaangkop na safety footwear. Nirerekomenda na gamitin ang ankle boots at spiked overshoes upang maiwasan ang pagkadulas at ankle injuries).
Dahil ang mga barko ay nasa ilalim ng commercial pressure na lumayag agad matapos na mai-load ang mga kargamento, maaaring magkaroon ng hindi sapat na oras na maikabit ang mga ligtas na safe walkway papunta sa forecastle. Ito sana ay naisaalang-alang bilang parte ng risk assessment ng barko tungkol sa unberthing at alternatibong safety measures, gaya
ng temporary walkway, ito ay dapat na naisagawa. Nakatanggap dati ang CHIRP ng mga ulat ng seryosong pinsala bunsod ng kaparehas na sitwasyon.
Culture – isang magandang safety culture kung ang lahat ng makatuwirang hakbang ay isinagawa upang alisin o mabawasan ang mga panganib. Kung ang mga hakbang na ito ay mahirap na maipatupad o maaaring matagal bago maisagawa, mayroong totoong panganib ng ‘safety apathy’, at hindi nanatin ‘nakikita’ ang mga panganib. Madalas ay sinasabi natin sa ating mga sarili na “ang mga panganib ay ang mga panganib” o kinukumbinsi natin ang ating mga sarili na ang panganib na ating kinakaharap ay katanggap-tanggap. Nasaan ang inyong kumpanya sa Hudson Safety Ladder?
Alerting – ang mga crew na maaaring nakaka-alam na ang paglalakad sa bulwark rail ay mapanganib. Ano kaya ang nagpigil sa mga tripulante na ipunto ito? Naramdaman ba nila na nabigyan sila ng kapangyarihan na itaas ang alarma, o natakot sila sa kahihinatnan? Itataas mo ba ang alarma kung nakita mo ito sa iyong barko?
Pressure – Kapag nagtratrabaho na may pressure, madalas ay inuuna natin ang pagkumpleto sa gawain higit sa pagpapanatiling ligtas ang ating mga sarili.
Seafarers: Nakakaaramdam ka na ba ng pressure na magsagawa ng hindi ligtas na kilos? Napag-usapan ba ninyo ang pressure workloads kapag may safety committee meetings? Ano ang maaari ninyong gawin upang
mabawasan ang workload pressure?
DPAs: Mayroon bang hindi sinasadya o sinasadyang pressure sa mga nakasakay na managers (Kapitan at Chief Engineers) upang mag–cut corners at makatipid sa oras? Paano mo nalaman?
Local practices – Isang high-risk operation ang pag-load at pagsecure
ng timber cargo. Kung hindi ka nabigyan ng angkop na
PPE, babanggitin mo ba ang bagay na ito sa pinuno ng inyong
departamento o sa inyong company hotline?