Isang tripulante ang nagrereklamo patungkol sa di magandang kondisyon sa pagtatrabaho sa kanilang barko. Ang kanilang matutulugan ay hindi malinis, kulang ang pagkain at ang mga kagamitan ay nasa estado na ng pagkasira. Ang main engine at ang gearbox ay may tumatagas na langis. Ayon sa mga tripulante, diumano, ay madalas na tinatapon sa dagat ang langis at basura. Sira din ang air condition.
Ayon sa taga-ulat, blina-blackmail daw ng chief officer ang mga crew sa pamamagitan ng pananakot sa kanila na sinomang magsumbong sa hindi magandang kondisyon sa barko ay patatalksikin.
Inisyal na kinontak ng reporter ang ISWAN sa kanilang mga hinaing. Dahil sa maliwanag na implikasyon sa kaligtasan, at sa kapahintulutan ng taga-ulat, ito ay ipinasa sa CHIRP. Sa loob ng madaling panahon, matapos na matanggap ng CHIRP ang ulat na ito, ang barko ay na-detain ng coastal state pagka-daong nito. Ang mga crew ay pinauwi.
Ang mga larawan ay nagpapahiwatig na ang barko ay hindi sumusunod sa minimum regulations sa matagal na panahon; gayunman, hindi ito nadetek ng alinmang external audit. Ito at hindi isang isolated case at madalas ng nakakatanggap ang CHIRP ng mga katulad na report. Ang bilang ng mga barko na may unseaworthy o masamang kalagayan ay nananatiling mataas, sa kabila ng maraming internasyonal at nasyonal na regulasyon tungkol sa minimum safety, environmental at welfare standards? Obligado ang mga flag state na ipatupad ang mga standards na ito subalit may ilang konsikuwensya sa international law kung madalas na hindi naisasagawa ito ng flag state.
Ang mga limitasyon sa capacity at resources ang nakakapagpabawas sa mga inspeksyon na isinasagawa ng isang port state, kaya ang mga substandard na barko kagaya nito ay nakakapag-operate sa matagal na panahon bago pa man matukoy at madetain. Ang mga seafarers na nakasakay sa isang unseaworthy o hindi sumusunod na barko ay hinihikayat na makipagugnayan sa CHIRP, na siya naman magtatanggol para sa kanila.
Ang CHIRP ay nananatiling confidential, independent at impartial na tinig ng mga marino, kung saan ay nananatling prayoridad ang kaligtasan.
Alerting – Ang mga crew ng barko ay naging responsable sa pagpaparating ng bagay na ito sa ISWAN at sa CHIRP, na siyang kapuri-puri. Ang pag-alerto sa pamamagitan ng internal at external audit process ay bigo.
Competency – Ang management company ay walang sapat na kakayahan na magpatakbo ng barko na kasang-ayon ng ISM Code. Tila mayroong kabuoang kakulangan ng pagsunod sa mga requirements ng Code. Binanggit ng CHIRP na ang Code ay ang minimum standard na kailangang gawin. Ang RO at Flag para sa kumpanyang ito ay kailangang kumilos pa upang makamit ang minimum standard.
Pressure (Commercial) – ang mga pananakot ng Chief Officer ay nagpapahiwatig na nagkaroon ng commercial consideration sa kultura na kung saan ang mga paglabag sa environmental, welfare at safety standards ay hindi kinukunsinti, ang mga ito ay inaasahan.
Capability – May kapasidad ba ang flag at port state na mahigpit na maipatupad ang minimum standards? Batay sa rekord na nagbigay-daan sa barko na patuloy na mag-operate sa ganitong kondisyon, tila hindi nakapagsagawa ang flag state ng quality control inspection.