Habang bumibiyahe palabas ng main channel ng daungan, isang malaking barko ang nakaranas ng pagpalya ng main engine. Pinagbigay-alam ito sa mga awtoridad sa pampang, at agad na nagbigay ng mga tugs. Ang bilis ng barko sa panahon na nagkaroon ng pagpalya ng makina ay ten knots, at maaari nitong panatilihiin ang kaniyang heading hanggang sa maging ligtas sa anumang panganib sa ilalim ng momentum nito.
Ang sanhi – pagbara ng gasolina – ay agad na iniulat na cleared na, at ang main engine ay nai-restart. Sa puntong ito, ang barko ay nakakatakbo pa ng five knots, kaya nakatakbo ang barko pabalik sa main channel nito. Itinigil na ng piloto ang paghila matapos maberipika ng master na gumagana na ulit ng wasto ang main engine.
Pagkatapos ay bumaba ang piloto, subalit makalipas ang ilang sandali, ay narinig nilang nakipag-ugnayan ang master sa shore authority upang humiling ng anchorage upang maisaayos ang main engine, taliwas sa sinabi nito sa piloto sa barko.