Habang iniinspeksyon ko ang cargo na nagse-secure ng equipment, nadiskubre ko na malaking bilang ng base locks at twist-locks ay sira na at hindi na magagamit para sa layunin nito. Iniulat naming ito sa master, subalit walang naging requisition na ipinasa sa kumpanya.
Nanatiling nababahala ang aming reporter dahil ang mga estibador mula sa iba’t ibang mga bansa ay madalas na nag-uulat ng mga isyu sa pagpalya ng automatic twist lock habang nagsasagawa ng cargo operations, na nagreresulta ng pagkaantala. Bukod pa dito, ang kumpanya ay nakawala na ng maraming containers sa dagat ilang taon na. Sa kabila ng kasalukuyang mga concern, ang base lock issue ay nananatiling hindi nareresolba. Ang nautical at safety superintendent ay walang malay sa kondisyon ng twist lock sa barko, at wala naman naging requisition sa planned maintenance system (PMS) program mga ilang panahon na.
Humingi ng assistance ang reporter sa CHIRP dahil nag-aalala sila na baka mawala ang mga containers sa dagat kung hindi ito wastong nase-secure. Nakipag-ugnayan ang CHIRP sa kumpanya, na binanggit ang kawalan ng komunikasyon sa barko, at mabilis na inasikasong mapalitan ang mga parteng kailangang ipadala sa barko.
Ayon sa World Shipping Council, noong 2022 mayroong 661 containers ang nawawala sa dagat. Bagama’t ito ay maliit na porsyento mula sa 250 million containers na ibinabiyahe taun-taon, bawat isa ay nagpapakita ng panganib sa barko, at sa pangkalahatang nabigasyon at sa environmental pollution risk, bukod pa sa financial loss sa nilalaman nito.
Ang seguridad ng kargo ay mahalagang safety factor para sa barko, sa mga crew at sa kapaligiran. Kinakailangan ng pinakamataas na antas ng atensyon upang matiyak na ito ay isinasagawa ng wasto. Kailangan matukoy ng internal at external na mga safety management audit kung aling kagamitan ang wala sa katanggap-tanggap na standards. Dagdag pa dito, kinakailangang mag-focus ng ship manager sa cargo security. Kinakailangan nilang sumunod at siyasatin ang wastong maintenance history ng PMS, at magkaroon ng makatotohanan na reordering stock level para sa mga securing equipment ng kargo.
Ang pag-aalangan na iulat ng barko ang kalagayan ng cargo-securing equipment sa kanilang pangasiwaan ay nagpapakita ng mahinang reporting at safety culture ng kumpanya. Gayong mayroon ng dating naging problema sa container security issues, nabanggit ng CHIRP na ito sana ay naging isang high-priority matter. Ang reporting culture ay dapat na agad matugunan. Ang paghikayat sa mga empleyado na magsalita patungkol sa safety concerns ay mahalaga at kinakailangan. Ang mga crew at stakeholders ay kinakailangang unahin ang kaligtasan at ituring bilang asset ito sa alinmang kumpanya sa maritime industry. Kinakailangang maging top priority ang kaligtasan at kailangang isulong ng mga organisasyon ang kultura na kung saan ang safety concerns ay malayang naipapahayag.
Ang pangasiwaan ng kumpanya, Flag at ang P&I Club ay inabisuhan na sa ulat na ito na may kahilingan na tignan nila ang status ng cargo-securing equipment nito at iba pang mga barko sa fleet.
Ang guidance sa pag-secure ng containers na inilathala ng Standard Club ay matatagpuan dito: 3368203-sc-mg-container-securing-2020-final.pdf (standard-club.com)
Malugod na iniulat ng CHIRP na nagkaroon ng positibong aksyon ang kumpanya upang matugunan ang lahat ng isyu patungkol sa cargo-securing equipment at pinasalamatan ang CHIRP sa pagdala ng bagay na ito sa kanilang atensyon
Komunikasyon – Gaano kadali mong mababanggit ang iyong concern sa pangasiwaan patungkol sa safety matter? Gaano sila kahusay tumugon sa iyong mga concern?
Teamwork – Hikayatin ang isang mental model para sa cargo safety at alertuhin ang bawat isa kung magkaroon man ng isyu. Ito ay kinakailangan sa malalaking barko kapag sinusuri ang mga cargo-securing items upang hindi maiwanan lamang sa isang tao dahil sa sobrang laki ng barko.
Pag-alerto – Magkaroon ng positibong kultura ng pag-alerto upang mapag-usapan at maaksyunan ang alinmanng panganib sa operasyon.
Kultura – Kinakailangan tignan ng kumpanya kung paano pinaguusapan ang mga isyu sa kumpanya at suriin ang kasalukuyang estado ng safety culture nito.