Ang barko ay umalis sa pantalan at nagpatuloy na pumalaot upang magsagawa ng sea trials, matapos ang mahabang panahon sa dry-dock, kung saan nagaganap ang trabaho sa parehas na main engines. Nasa barko din ang isang vibration specialist at Classification Society surveyor. Parehas na generators ang umaandar at nakakabit sa electrical switchboard.
Habang ang barko ay nasa loob ng breakwater, inalis ng chief engineer ang isa sa mga generators mula sa switchboard ngunit iniwan itong bukas sa cool-down mode. Hindi nila sinabihan ang bridge sa ginawa nilang ito. Ang 2nd engineer ay nasa engine room, katabi ng mga generators, at tinutulungan ang mga vibration specialist na kumuha ng mga readings mula sa gearbox. Napansin nila na isang high-pressure line sa isa sa mga generators ang nahati at nag-iispray ng langis sa mainit na exhaust manifold.
Pinindot ng 2nd engineer ang emergency stop button ng generator, at ang barko ay nakaranas ng total electrical failure, samantalang ito ay dumadaan sa breakwater. Ang lahat ng navigational control ay nawala bilang resulta nito, subalit sa kabutihang-palad, umandar ang generator at ang kuryente ay mabilis na naibalik.
Ang chief engineer sa Engine Control Room ay humingi sana ng permiso mula sa bridge bago nito palitan ang machinery state ng barko upang palaging alam ng bridge team ang mga limitasyon ng power at propulsion – lalong lalo na kapag nagmamaniobra papasok o palabas ng daungan. Dahil ang paguusap ay maaari sanang nai-broadcast mula sa loudspeakers ng engine room, malalaman ng mga nasa loob ng engine room na iisang generator lang ang nagbibigay ng kuryente sa barko.
Matapos ang mahabang panahon sa dry-dock, partikular na nang ang material state ng barko ay nabago, ay dapat na nasuri ang mga hazard at risk assessments at ayusin ang kontrol, gaya ng pagdadagdag ng tagabantay sa lugar habang palabas ng daungan.
Communication – Ang pagpapanumbalik ng standard communication procedures, partikular na pagkatapos ng mahabang panahon sa dry-dock, ay kailangan na paigtingin. Ang pagpatay sa generator at hindi pag-abiso nito sa engine room team at bridge ay mapanganib.
Teamwork – Isang mas mataas na lebel ng teamwork ay kinakailangan upang matiyak na ang engine room, na sumailalim na sa mga overhaul at pagkukumpuni mula sa tagalabas na kontratista at mga tauhan ng barko, ay seaworthy. Isaalang-alang ang pag-operate ng may mas pinahusay na watchkeeping routine para sa unang araw at gabi pabalik sa dagat. Makakabawas ito sa panganib na magkaroon ng pagkakamali.
Distraction – Dapat ay maging priyoridad ang pagsusuri sa katayuan ng engine room at kung gumagana lahat ng ancillary equipment, at walang dapat na makagambala sa engine room upang maisagawa ito.
Competency – Ang pag-drydock ay mangangailangan sa mga tauhan ng barko na magkaroon ng magandang operational adaptability at mas mataas na lebel ng kaalaman. Ang pangangasiwa ay dapat siguraduhin na mayroon nito ang ilang mga crew member kapag plina-plano ang kanilang mga dry docking.