Nagpadala ang aming reporter ng mga larawan ng barko na nagkakarga ng timber cargo sa mga kahaliling deck hatches. Ang kahoy ay nag-extend sa tapat mismo ng lapad ng deck, at ang mga crew ay kinakailangan pang maglakad sa makitid na tuktok ng mga bulwarks o mag-swing sa outboard ng log stanchions, at sumabit sa gilid ng barko. Ang parehas na paraan ay hindi ligtas. Ang mga larawan ay nagpapakita ng taas ng “log face.”
Ito ay isang nakakamatay na aksidenteng hinihintay nalang mangyari.
Mayroon na kaming mga dating ulat ng pagkamatay sa barko na dahil sa loading at unloading ng timber cargo sa deck, gayundin ang aming mga saloobin sa mga pagkukulang ng Timber Deck Cargo Code dahil sa hindi nito inuutos ang ligtas na daanan na mapanatili sa at sa ilalim na lebel ng deck. Mayroon itong implikasyon sa kaligtasan para sa routine at emergency access (kagaya ng fire-fighting at med-evacuation ng isang crew mula sa tuktok ng mga troso. Bagama’t ang disenyo ng barko ay hindi teknikal na lumalabag sa Code (na kung kaya siguro na-signed off ito ng kanilang Flag at Classification Society), ang implikasyon sa kaligtasan ng crew ay hindi sapat na napagtuunan ng pansin.
Kung ang pag-akyat sa outboard sa ganitong paraan ay isang hindi opisyal na ‘local practice’ bunsod ng kakulangan sa operational leadership sa barko, o ipinahiwatig sa Safety Management System ng kumpanya, ito ay napakadelikado at dapat na matigil. Nais ng CHIRP makita na ang Canadian regulations (na may mandato sa wasto at ligtas na accessways sa mga crew at stevedore) ay mas malawak na ipinatutupad.
Nais ng CHIRP makita na ang Canadian regulations (na may mandato sa wasto at ligtas na accessways sa mga crew at stevedore) ay mas malawak na ipinatutupad.
Local Practices – Ang pag-akyat sa outboard upang makapunta sa cargo na nakaimbak sa deck ay hindi kailanman katanggap-tanggap. Dapat ay i-challenge ng bawat seaman ang ganitong praktis kapag nakaranas nito. Huwag ninyong ilagay sa panganib ang inyong buhay sa ganitong paraan.
Culture – Ang safety culture ng kumpanya ay mahina kung ito man ang aprubadong paraan ng pagtawid sa barko.
Capability – May kakulangan ba sa resources ang shore management upang wastong mai-audit ang mga log-carrying vessels para matiyak ang ligtas na daanan para sa mga crew? Kung ang inyong barko ay nagkakarga ng troso, paano ninyo matitiyak ang safe access?