Habang ang isang Crew Transfer Vessel (CTV) ay pabalik sa port na may mabilis na takbo, ang master ay nabaling ang atensyon sa mahabang usapan nito sa radyo na hindi na niya napansin na ang barko ay naitulak palihis sa kurso nito dahil sa taas ng tubig. Bumangga ito sa isang wind turbine tower dahil sa bilis, na nagdulot ng malaking pinsala sa barko. Ang panahon at visibility ay maayos. Tulad ng karaniwan para sa mga barkong ganitong kahaba, ang master lang ang nasa bridge, walang iba na nagbabantay sa panahon ng radio exchange.
Sa kasamaang palad, hindi ito magkahiwalay na insidente: batid ng CHIRP na marami ng naging insidente kung saan ang mga barko ay bumangga sa mga charted objects na kung saan ang tanging tao na nasa bridge ay nalingat sa kaniyang trabaho.
Karaniwan na ang single bridge manning, partikular na sa mga maliit hanggang katamtamang laki na barko, sa umaga, na may magandang visibility. Subalit, ang mga manning requirements ay kailangan ipinaaalam sa mahigpit na risk assessment. Sa kaso ng single bridge manning, dagdag na ingat ang kinakailangan na gawin upang maseguro na ang panganib sa workload, fatigue, distraksyon, at iba pang mga dahilan ay sapat na nabawasan sa makatuwiran at praktikal na pagbaba. Ang routine nature ng ganitong klase ng operasyon ay maaaring magdulot ng low mental arousal at risk distraction. Itong ‘risk normalisation’ ay nakakapagpababa ng pagaalala at maaaring magdulot ng sobrang kumpiyansa.
Hindi sigurado ang CHIRP kung ang ECDIS ay gumagana at wastong naka-configure at hindi rin matutukoy mula sa report kung may tumunog o narinig na babala.
Kailangang ikunsidera ang dagdag na bilang ng taga-bantay sa panahon ng high-speed transit operations. Gamitin ang crew upang bigyang diin ang nakikitang panganib sa mga wind farm zone at gamitin ang lahat ng navigational aid upang ma-assess ang panganib, lalo na sa chart plotter (alarma para sa off-track limit/cross-track-error at mga radar guard zone).
Dapat ding ikunsidera ng pangangasiwa ang pagkakaroon ng masusing risk assessment para sa mga barko na nasa ilalalim ng kanilang pamamahala gamit ang isang independent auditor upang matukoy at magtakda ng wastong antas ng manning sa mga kritikal na yugto ng CTV operation.
Situational Awareness – Ang master ay hindi napansin na ang CTV ay lumihis sa daanan nito. Sadyang challenging at abala ang kapaligiran ng offshore sector. Anong mga hakbang ang dapat gawin ng kumpanya upang maseguro na ang ganitong insidente ay hindi mangyayari?
Capability – Sapat ba ang resource capability ng barko upang matiyak na na napapanatili ang ligtas na navigational capability? Ang wind farm industry ay medyo bago pa at ang pag-assess sa panganib kaugnay ng pag-maintain at pag-service sa wind turbines ay kailangang ikunsiderang rebyuhin.
Distractions – Ang pananantiling focus sa pauli-ulit na trabaho ay mahirap. Ang pagkakaroon ng bantay sa lugar ay nakakapagbago sa dynamic interaction sa bridge, na maaaring magdulot ng mas malaking focus sa hazard awareness.