Ang ulat na ito ay ipinasa ng isang pasahero sa cruise ship at ang pag-aalala niya sa passenger evacuation procedures at ang access nito sa lifesaving equipment.
Nabanggit ng reporter na madalas na silang bumibyahe sa passenger ships at nagkaroon ng pag-aalala sa magkakaibang safety standard sa pagitan ng mga cruise liner companies. Ang partikular na alalahanin sa isang cruise ay ang mga sumusunod na isyu:
Kailangang ayusin ang isinasagawang mandatory passenger emergency muster drill bago umalis. Dapat ay mas malinaw ang mga signage, ang presensya ng mga tripulante upang gabayan ang mga pasahero sa kanilang muster stations ay kailangang isama sa ilang mga sektor ng kanilang evacuation route. Ang safety speech ng kapitan ay dapat naging mas malinaw kung saan pupunta at kung anong gagawin sa panahon ng emergency. Ang mga life jackets ay nakapaskil sa stateroom, subalit walang mga life jackets, na nagdudulot ng alalahanin sa pagiging pamilyar ng pasahero at sa kanilang kaligtasan sa panahon ng emergency.
Naramdaman ng reporter na kailangan pa ng dagdag na training ng crew sa emergency procedures, kabilang na ang paglikas ng mga pasahero, subalit napansin na bungsod sa mataas na bilang ng turnover ng crew dahilan sa pandemic, kulang ang iba sa karanasan.
Gayundin, ang pagkapagod ay maaaring maging problema sa ibang mga tripulante na may maraming trabaho. Nabanggit ng reporter na kailangan magsagawa ng regular na mga drill sa parehas na hanay ng mga crew at ng passenger upang matiyak ang paghahanda.
Nagpapasalamat ang CHIRP sa taga-ulat sa pagbibigay-diin ang kung ano sa tingin nila ang mga kakulangan sa passenger muster drill bago umalis.
Ang muster drill ay panimulang safety procedure na dapat maging pamilyar ang lahat ng mga pasahero at mga crew sa emergency evacuation protocols. Nagsisilbi ito bilang kumpiyansa at katiyakan, lalong lalo na sa mga indibidwal na bago pa lang sa paglalayag.
Ang binagong regulasyon na III/19 sa International Convention ng Safety of Life at Sea (SOLAS) ay may mandato na ang lahat ng mga pasahero ay dapat makilahok sa safety drills, kabilang na ang mustering at lifeboat stations, bago o kaagad pag-alis. Ang mga cruise companies ay responsable sa pagsasagawa ng drills na ito ng mahusay at epektibo upang matiyak na alam ng lahat kung saan ang lokasyon ng mga pagtitipon at paglikas.
Ang muster drill ay dapat may nakalaan na sapat na panahon upang matiyak na lubos na naiintindihan ng mga crew ang mga pamamaraan. Ang mga crewmembers ay dapat sinasanay na gabayan ang mga pasahero sa kanilang nakatakdang muster station nang may kumpiyansa. Dapat ay agad silang makatugon sa mga katanungan ng mga pasahero.
Ang malinaw at nakikitang signage at instructions sa buong barko ay mahalaga upang matulungan ang mga pasahero sa panahon ng emergency. Makakatulong ito sa mga pasahero na mahanap ang kanilang muster stations at maintindihan ang kanilang ruta sa paglikas ng mas mabilis.
Sa pagkilala sa likas na pagiging demanding at stressful ng trabaho sa barko, mahalaga na mapangasiwaan ang gawain ng mga crew at isaalang-alang ang lebel ng karanasan ng crewmembers. Ang fatigue, stress at maraming workload ay maaaring makahadlang sa kakayahan ng crew na makapag-focus sa safety protocols.
Hinihikayat ng CHIRP ang mga pasehero na humingi ng paggabay mula sa crew kung kinakailangan nila ng dagdag na paglilinaw tungkol sa pamamaraan ng paglikas. Ang mga tripulante ay nariyan upang tumulong at matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.
Hinihikayat ng CHIRP ang mga cruise companies na maglaan ng mas maraming atensyon at panahon sa pagpapahusay ng kanilang emergency drills at evacuation procedures. Ang aktibong paghahanap ng feedback mula sa mga pasahero kung ano ang epektibo at kung ano ang dapat pang paghusayin ay mahalaga sa patuloy na safety enhancements.
Kinontak ng CHIRP ang DPA para sa kumpanya ng cruise liner at nakatanggap ng napakahusay na tugon. Agaran silang umaksyon upang imbestigahan ang mga alalahanin ng mga pasahero base sa natanggap na impormasyon ng CHIRP at nagbigay ng feedback. Gumawa sila ng ilang pagbabago sa kanilang mga training at familiarisation procedure. Ang aksyong ito ay kapuri-puri, na nagbibigay diin sa magandang safety culture sa lahat ng lebel sa kanilang organisasyon.
Ang mga sumusunod ang ilan sa mga aksyon na isinagawa ng DPA.
Sumama ang DPA para sa maikling byahe sa barko upang imbestigahan ang komento ng nag-ulat. Habang nasa biyahe, nagsagawa ng emergency evacuation drill, ang attendance ng mga pasahero ay naberipika electronically. Ang barko ay consistent na nagpapanatili ng 94% attendance rate, na walang attendees na nakakatanggap ng sulat para sa personal na review. Nagpapakita ang mga Cabin TV ng mga safety video bago ma-access ang ibang mga channel, na walang override.
Iniulat ng DPA na ang crew training ay nadagdagan ayon sa pangangailangan. Nabanggit din na ang mga guide sa stairway at muster station teams ay epektibo. Ang alalahanin sa kawalan ng karanasan dahil sa pandemic ay natugunan sa pamamagitan ng dagdag na training para sa mga crew. Ito ay naberipika sa inspeksyon ng Class habang may simulation drill para sa passenger evacuation at naaprubahan ng walang anumang komento.
Ang dagdag na focus ng mga cabin attendants sa familiarisation meeting ng mga pasahero, kabilang na ang lokasyon ng life-saving items, ay natukoy sa tour ng DPA. At ang mga cabin attendants ay binati ang mga pasahero at ipinaliwanag ang lokasyon ng mga life jackets sa araw ng embarkasyon. Ang mga signage ay mas pinabuti at tinugunan sa buong fleet. Ang pagsunod ay sinubaybayan ng housekeeping management at kinumpirma ng Passenger Ship Safety.
Nagpapakita ito kung paanong ang bukas na komunikasyon at pagiging handa na mag-ulat ay maaaring magbunga ng positibong resulta sa maritime industry.
Lokal na kasanayan – Mag-ingat sa mga hindi sapat na pamamaraan na hindi maipatutupad ng wasto. Iulat ito upang mapalitan kung hindi nito matutugunan ang wastong working conditions/workload.
Komunikasyon – ang biswal na presensya ng crew, maayos na pananamit sa passenger muster drill, ay isang mataas na antas ng biswal na komunikasyon. Nagbibigay tiwala ito sa mga pasahero na mayroong ligtas na access sa panahon ng evacuation. Ito ang unang beses na makikita ng mga pasahero ang mga crew, habang marami ay regular ng pasahero, may ilan padin na first-time cruise passengers.
Pag-alerto – Kung mayroong mali, iulat ito. Magpapasalamat ang pangasiwaan sa iyo sa pagtukoy sa isang bagay na hindi nila napansin.
Kultura – Ang matatag na safety culture ay isang commercial selling point na makakaudyok sa mga pasahero ng barko na umulit para sa iba pang paglalakbay.
Pressure – Maaaring magkaroon ng time/commitment pressure sa crew, ibig sabihin ay maaaring mag-shortcut ito. Magsagawa ng audit/review upang matukoy kung ito ay umiiral. Makinig sa mga crew.