Isang shore-based contractor na madalas ay sumasampa ng barko para sa sea trials ay kinontak ang CHIRP para ipahayag ang kanilang mga concerns dahil sa kanilang working routines na humahantong sa kanila sa pagka-fatigue, at nababahala sila na maaaring magresulta ito sa isang safety incident o aksidente. Sa barko, kadalasan ay nagtatrabaho sila ng 12 oras kada araw, minsan at nagpapalit ng day and night shift mid-trial. Ang mga sea trials ay karaniwang tumatagal ng 2 – 3 linggo na walang pahinga (maliban kapag nagpapalit sila ng day to night shift), naging factor nito ang fatigue.
Hiniling ng reporter sa CHIRP na payuhan sila sa safe working limits sa ganitong mga pagkakataon, upang magkaroon sila ng pakikipag-usap sa kanilang mga employer.
Ang Maritime Labour Convention ay tumutukoy sa isang seafarer bilang:
“Any person, including a master, who is employed, or engaged, or works in any capacity on board a ship and whose normal place of work is on a ship.”
“Sinumang tao, kabilang ang isang master, na empleyado, o nakikibahagi o nagtatrabaho sa anumang kapasidad habang sakay ng barko at ang normal na lugar ng trabaho ay nasa barko.”
Sa ilalim ng Convention, ang mga seafarers ay may karapatan na magkaroon ng minimum 77 oras na pahinga sa alinmang 7-day period at hindi bababa sa 10 oras sa loob ng 24 oras. Ang iskedyul ng oras ng pagtatrabaho ay kailangan nakalista at nai-post para makita lahat ng mga seafarers.
Kung ang normal workplace ng isang tao ay nasa pampang, naka-kategorya ito bilang ‘worker’ at ang kanilang oras ng trabaho ay kinokontrol ng Flag State ng barko o mga lokal na regulasyon. Ang mga ito ay ang karaniwan (ngunit hindi palagi) na nililimitahan ang linggo ng pagtatrabaho sa isang average na 48 oras, na may average working day na 8 oras, na may isang araw sa isang linggo bilang isang araw ng pahinga.
Ang employer ng contractor ay responsable sa kalusugan, kaligtasan at kagalingan ng kanilang mga empleyado at dapat magtakda ng mga naaayon na limitasyon sa pagtatrabaho. Subalit, mabuting kasanayan sa isang master na humingi ng kopya ng contractor’s fatigue management plans upang maging kumpyansa sila na sa kanilang working routines ay wastong naisaalang-alang ang fatigue sa sitwasyon. Sa huli, ang mga master ay responsable sa kaligtasan ng lahat ng tao sa barko at may awtoridad na magbigay ng dagdag na pahinga upang masiguro na ang panganib sa pagkapagod ay kontrolado na sa lebel na “as low as reasonably practicable”.
Ang ibang prakital na hakbang ay pagkakaroon ng buddy-buddy system kung saan may kapares ang manggagawa na nagmo-monitor ng ibang senyales ng pagkapagod at ilalagay ito sa atensyon ng kanilang ka-partner. Ang naka-iskedyul na mga rest day at regular interval at mas maikling shift ay maaaring makatulong upang maiwasan ang fatigue-related risks.
Ikinalulugod naming iulat na sa kasong ito, nakinig ang employer sa mga alalahanin ng reporter at nagbigay aksyon upang tugunan ang kanilang mga fatigue concerns.
Alerting- Ang pag-alerto sa kumpanya sa pagkakaroon ng maraming workload ay mahalaga at unang hakbang sa paglutas ng mga isyu sa pagkapagod para sa mga shore contractors. Binibigyan ka ba ng kapangyarihan ng inyong kumpanya na mag-ulat ng mga fatigue concerns, at alam mo ba ang kanilang pamamaraan sa pag-uulat?
Culture– Ang mga employers ng shore contractors ay dapat magkaroon ng wellbeing policies at fatigue management plans. Ang mga master ay maigting na hinihikayat na patignan ang mga ito sa mga sasampang contractors.
Local practices- Ang buddy-buddy system ay isang mabisang paraan upang matukoy ang early signs ng fatigue. Ito ay pinaka-kapakipakinabang kapag ang mga tripulante at nagtatrabaho ay binibigyang kapangyarihan na mag-ulat ng mga naturang alalahanin, at mayroong mahusay na nauunawaang mga pamamaraan upang maisagawa ito.