Pinagbigay-alam ng ilang mga reporter sa CHIRP na ang kanilang tanker ay nagsusunog ng Intermediate Fuel Oil (IFO) na may sulphur content na 2.4%, bagama’t ang barko ay hindi nilagyan ng exhaust gas cleaning system (scrubber) upang mabawasan ang sulphur content ng mas mababa sa 0.5% gaya ng nakasaad sa Marpol VI reg 14. Ang barko na nangangalakal sa buong mundo at hindi nilagyan ng exhaust gas cleaning system (scrubber) upang mabawasan ang sulphur content ng mas mababa sa 0.5% ((Marpol VI reg 14). Upang hindi matuklasan, batid nila na ang barko ay nagpapalit ng marine fuel diesel kapag nag-ooperate sa mga port o emission control areas (ECA).
Ang mga reporter ay lubhang nababahala sa pag-ulat ng bagay na ito dahil ang barko ay parte ng ‘dark fleet’ ng mga barkong lumalabag sa international sanctions. Natatakot sila sa potensyal na paghihiganti kung sakaling matukoy ang kanilang pagkakakilanlan.
Kasunod ng ekstensibong pakikipag-usap sa mga reporters, ang CHIRP ay ipinaalam ang kanilang mga pagkabahala sa Flag State, sa designated person ashore (DPA), at sa Hull and Machinery Insurers.
Ang ulat na ito ay nagpapakita ng lawak kung hanggang saan ang mga iresponsableng may-ari ng barko ay handang iwasan ang mga regulasyon na nakadisenyo upang protektahan ang kapaligiran. Ito ay sa kadahilanang ang mas malinis na mga fuel ay mas mahal at ang kumpanya ay inuuna ang kita kaysa sa kaligtasan.
Iminumungkahi ng insidente na ang inspeksyon ng Flag at Port State ay dapat suriin upang matiyak na maaaring matukoy ang ganitong pag-uugali. Kailangan ng pag-amin ng mga barko na nagdadala sila ng fuel na lampas 0.5% limit upang maipakita kung gaano nila nilalayon na mabawasan ang sulphur levels, maging sa pamamagitan ng scrubber system o sa iba pang paraan.
Ang exhaust gas cleaning system ay dapat na ikunsidera bilang pansamantalang pamamaraan, at sa huli, lahat ng barko ay dapat mai-convert na gumamit ng low-sulphur-compliant na fuel.
Kultura – Ang organisasyon ng barko ay tila hindi namumuhunan sa environmental compliance. Ito ay tila hindi nakakagulat sa dahilang ang barkong sangkot ay kabilang sa ‘sanction busting”. Ang pangangailangan na magsunog ng mas malinis na fuel o magkaroon ng nilalagay na scrubbers ay umiiral tatlong taon na ang nakakaraan. Ang barko ba ninyo ay sumusunod sa mga patakaran?
Pressure – Ang kumpanya ay gumagamit ng economic pressure upang mapagtakpan ang hindi pagsunod ng barko sa Marpol, subalit kapag nahuli, ang multang halaga nito ay lalampas pa sa alinmang panandaliang pagtitipid.
Lokal na Kasanayan – Ang kagawian ng kumpanyang may operating ships na hindi nilalagyan ng exhaust gas cleaning system ay kailangan ng wakasan. Kung ang inyong barko ay tumatakbo sa kaparehas na operasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa CHIRP.