Sinulat ng aming reporter: “Ang cruise ship ay nasa katabing pier kung saan kami naka-berth. Tatlong miyembro ng kanilang crew ang nasa proseso ng pagkuha sa kanilang paint raft na may tatlong seaman na nakasakay sa port side forward mooring station sa isang naka-extend na platform nang ito ay naipit sa ilaim ng isa sa mga pier fenders at alanganin ang pagkakatagilid, na nagdulot sa tatlong crew members na mahulog sa tubig mula sa tinatayang taas na 2 metro.
Lahat sila ay nakasuot ng floating devices/lifejackets at nagawa nilang umakyat pabalik sa balsa dahil walang patayong hagdan sa pantalan. Pagkabalik sa barko, dalawang beses nilang tinangkang itaas ang balsa gamit ang isang telescopic crane na nakalagay sa mooring station. Gayunpaman, dalawang beses din itong ulit na na-stuck sa ilalim ng mooring fenders na nagdulot sa crew na mahulog muli sa tubig!
Pagkabalik sa barko, nag-swap sila ng puwesto at sa wakas ay narecover na sila mula sa starboard side platform, ito ay hindi muna ginamit dahil sa sariwang hangin mula sa silangan na lumilikha ng maalon na dagat sa daungan.
Wala sa kanila ang nakasuot ng safety harness na nakakabit sa sling at balsa. Sa kasamaang palad, ang gawaing ito (laganap sa cruise industry) na pagbaba/pagtaas ng may nakasakay sa paint raft ay delikado at hindi dapat ipagpatuloy. Dagdag pa dito, walang mga supervisor o officer ang nagbabantay sa pagtra-trabaho, at kahit na matapos ang mga aksidente, wala man lamang nagpakita!
Ang kawalan ng supervisory leadership ay nagresulta ng hindi ligtas na sitwasyon. Isang komprehesibong pagplano ang dapat na magawa sa alinmang lifting operation, base sa comprehensive risk assessment. Ang posisyon ng fender na ginamit ang nagpahirap para maisagawa ang operasyong ito ng ligtas.
Ang kagamitan na ginagamit upang iangat ang mga tao ay dapat na partikular na nakadisenyo para sa layunin na iyon, at ang lifting operations ay dapat na sapat na pinangangasiwaan ng kwalipikadong tao. Kapaki-pakinabang na batayan ang IMCA Guidelines para sa Lifting operations: https://www.imca-int.com/product/guidelines-for-lifting-operations/
Tinatanong ng CHIRP kung bakit ang work party ay patuloy sa pagtratrabaho matapos na unang beses na nahulog sa tubig. Sa kabutihang palad, ang kanilang mga suot na lifejackets ang nakapigil na magkaroon ng seryosong kahihinatnan.
Nakipag-ugnayan ang Flag State sa kumpanya patungkol sa insidente.
Local Practices – Ang pag-angat ng tao gamit ang paint raft ay hindi nakadisenyo para sa layunin na ito at isang safety violation. Kung hindi sigurado, humiling na makita ang lifting test certificate.
Pressure – Ang corporate pressure na mapanatili ang cosmetic standard ng barko ay humantong sa poor decision-making: ang gawaing ito ay dapat na nai-reschedule hanggang ang lagay ng panahon ay umigi o di kaya ay ito ay isinagawa sa ibang port.
Culture – Sa pinakamababa, ang safety culture ng bawat kumpanya ay dapat makapag-empower sa mga empleyado nito na unahin ang kaligtasan kaysa kumpletuhin ang isang gawain, at iulat ang alinmang panganib o insidente na nakakapagkompromiso sa kaligtasan. Kung hindi ganito ang kaso sa inyong barko, maaari ninyong iulat ito sa CHIRP.
Alerting – Humingi ng ‘stop work’ authority kung sa paniniwala ninyo na ang gawain ay hindi ligtas at ipaalam ang inyong mga alalahanin sa atensyon ng isang senior officer. Ang incident reporting ay mahalaga kung may matututuhang aral at maiiwasan na maulit ang insidenteng iyon.
Pressure – Dahil sa gawaing ginagawa, ang time pressure ay malamang na factor sa trabahong hindi sapat na nababantayan at minamadali. Maaari bang makapaghintay ang gawaing ito hanggang sa ang barko ay nasa port at mayroong mas maraming oras?
Teamwork – Ang ‘group think” ng tatlong crew na nasa paint raft ay nagdulot na tatlong beses mangyari ang insidente. Kung may mabuting pamumuno, naiwasan sanang mangyari ito.